Lovely Abella, inalala ang pagtulong sa kanya ni Marian Rivera noon

Lovely Abella Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang nakakatouching na kwento na naganap sa nakaraan. Kasama rito ang Kapuso aktres na si Marian Rivera.

Ayon kay Lovely, ang kanyang “mamang” ay naospital noon at si Marian ang unang tumulong sa kanya sa financial aspect.

Pahayag pa niya, labis siyang namangha sa kabaitan ni Marian dahil tumulong ito sa kanya kahit hindi sila sobrang close sa panahong iyon.

“Bago lang 5 years ago, Di ko makakalimutan ang napakagandang puso ng taong to, hindi kami kumakain ng sabay, di kami nagkakausap ng matagal pero noong panahon na nag 50/50 ang mamang ko, siya ang kauna unahang nagbigay ng tulong sakin. Pinaabot niya ang cheque at sabi sana gumaling ang Mama. Unexpected na galing saknya ang napakalaking halaga na yun. Hindi lang ako humanga sa kung gaano siya kaganda, kundi sa kagandahan din ng kalooban niya hindi dahil nagbigay tulong siya sakin kundi tinatanaw ko na utang na loob ang tulong na yun,” saad niya.

Dagdag pa ni Lovely, ipinahayag niya ang kanyang paghanga at walang sawang suporta para kay Marian. Sinabi pa niya na lagi niyang isasama ang aktres at ang buong pamilya nito sa kanyang mga panalangin.

“Lagi ko sinasabi pag ako yumaman di ko kakalimutan ang mga taong tumulong sakin financially at emotionally. Di man materyal ang naisokli ko ate @marianrivera pero lagi kang kasama sa dasal ko at ang buong pamilya mo at isa na rito ang bagong show mo. Muli salamat ng marami, Mahal kita ate,” dagdag pa niya.

Ang post ni Lovely ay nakatagpo ng maraming atensyon at maraming tao ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat kay Marian.

Sa isa pang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Marian Rivera ang ilang mga larawan ng kanyang anak na si Sixto na masayang naglalaro ng soccer. Ang post ng Kapuso aktres sa nasabing photo-sharing app ay agad na umani ng viral. Maraming netizens ang natutuwa sa mga nakakagigil na larawan ng anak ni Marian.

Mas maaga, kamakailan lang ay nagbakasyon si Marian at ang kanyang pamilya habang ipinagdiriwang ang ikatlong kaarawan ni Ziggy. Lubos na nagagalak ang kanyang mga tagasubaybay habang ibinahagi niya ang maraming larawan ng kanilang pamilya. Nag-upload din siya ng mga larawan kung saan kasama niya ang kanyang dalawang anak na sina Zia at Ziggy. Agad na kumalat ang mga larawan na ito at kumuha rin ng maraming positibong komento mula sa netizens.