Lolit Solis, sinabing gusto niya ang ugali at aura ni Kim Chiu: “Hindi pikon”
Ang veteran columnist na si Lolit Solis ay kamakailan lamang ay nag-post sa social media upang purihin si Kim Chiu sa kanyang “hindi pikon” na pag-uugali. Ayon sa 74-anyos na beteranang kolumnista, kahit ano pa ang sabihin o gawin ng iba tungkol sa kanya, hindi nagbibigay ng reaksyon si Kim.
Sa kanyang Instagram account, @akosilolitsolis, natuklasan ng KAMI na binigyang diin ng beteranang kolumnista kung gaano kaganda ang pag-uugali ni Kim.
“Gusto ko ugali ni Kim Chiu na hindi pikon, Salve,” simula ni Lolit sa kanyang viral na online post.
Ayon kay Lolit, kahit ano pa ang sabihin o gawin ng iba, tinatanggap lang ito ni Kim at hindi nagbibigay ng anumang reaksyon tungkol dito.
“Dapat ganito ang ugali ng bawat tao, walang pikon, hindi dapat OA,” sabi pa ni Lolit.
Patuloy pa ang veteranong kolumnista sa pagsasabi na dapat respetuhin ng mga tao ang opinyon at mga desisyon ng iba sa buhay.
“Basta kanya-kanya tayong opinyon, walang basagang ng trip, respeto lang sa mga choices. Gayahin natin si Kim Chiu na kampante lang, kaya maganda ang aura ng personalidad niya. Go go Kim Chiu, bongga ka day.”
Lolit Solis ay isang entertainment reporter, talent manager, at host sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang matapang na mga komentaryo sa iba’t ibang isyu sa showbiz, panlipunan, at pulitika sa bansa.
Sa kabilang dako, kamakailan lang ay nag-post si Lolit Solis ng isang mahabang online post tungkol sa aktres na si Angel Locsin. Sa Instagram, humanga ang veteran columnist sa hindi pag-aapekto ni Angel sa mga komento na natatanggap niya patungkol sa kanyang timbang. Ayon kay Lolit, nananatili pa rin ang aktres na “confidently beautiful” at ang kanyang buhay ay tila masaya sa ngayon.