Lolit Solis’ Past Folly With Bea Alonzo Revealed!

Nagbigay ng saloobin ang kilalang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis sa balitang sinampahan ng criminal case na cyber libel ng Kapuso actress ang kanyang kapwa columnists at talent manager na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin. Ipinahayag ng talent manager na si Lolit Solis ang kanyang pagkagulat matapos mabalitaan ang pagsampa ni Bea Alonzo ng tatlong magkakahiwalay na cyber libel laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz. Kasama rin sa mga kinasuhan ni Bea Alonzo ang isang indibidwal na nagpapanggap na malapit sa kanya at ang mga co-host nina Ogie Diaz at Cristy Fermin sa kani-kanilang mga online shows. Sa pamamagitan ng isang Instagram post na inihayag ni Lolit Solis ang kanyang saloobin patungkol sa balitang ito. Ayon kay Lolit Solis, nagulat siya sa ginawa ni Bea Alonzo na magsampa ng kaso laban sa kanyang mga kasamahang writers dahil guilty din siya sa mga nauna niyang isinulat noon na mga kagagahan laban kay Bea Alonzo. Gayunpaman, thankful pa rin siya dahil hindi napikon sa kanya si Bea Alonzo. Tila ipinagtanggol din nito si Bea Alonzo dahil may pagkakataon talaga na nag-iiba ang mood ng isang aktres kapag mayroong naglalabas ng mga detalye sa kanilang buhay. Inamin rin ni Lolit Solis na talagang napikon din siya sa binitiwang pahayag ng manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan patungkol sa pagkunsulta ng abogado kaya naman kung ano-ano na ang kanyang nailabas patungkol kay Bea Alonzo. Kaya naman malaki ang pasasalamat ng umano ni Lolit Solis dahil naging sweet at mapagpatawad sa kanya noon si Bea Alonzo. Naglabas rin ng opinyon si Lolit Solis sa kinakaharap na kaso nina Ogie Diaz at Cristy Fermin. Ayon kay Lolit Solis, Parehong may ipinaglalaban ang dalawang kampo. Parehong tiyak na desidido sila na ipakita kung sino ang tama. At pareho din sila tiyak na naka focus sa resulta ng kanilang aksyon. Gayunpaman tila alam naman umano ng magkabilang panig ang kani-kanilang ginagawa kaya naman hintayin na lamang ang magiging kalalabasan nito.