Lolit Solis, na-touch sa pagdamay sa kanya sa ospital ni Jane de Leon

Lolit Solis, na-touch sa pagdamay sa kanya sa ospital ni Jane de Leon.

Lolit Solis, ibinunyag na si Jane de Leon ay nagpadala ng regalo sa kanya habang siya ay naka-confine sa ospital. Ipinaabot din niya ang kanyang pasasalamat na nag-effort si Jane na makipag-ugnayan kahit na sila ay hindi personal na magkakilala. Ayon kay Lolit, si Jane ay magiging isang malaking bituin at magiging magaling na bagong Darna. Dagdag pa niya, ang kabaitan ni Jane ay magiging malaking tulong sa kanya sa industriya ng showbiz.

Si Lolit ay na-discharge na mula sa ospital ngunit kailangan pa rin niyang regular na pumunta roon para sa kanyang dialysis treatment.

“Gusto ko mag thank you kay DARNA, Jane de Leon, Salve. Pinadalhan niya ako ng something sa hospital, kahit hindi pa kami personal na magka kilala. So touching para sa akin dahil nag effort siya, at talagang nasa utak ko iyon gesture niya na ginawa. Nagagandahan ako kay Jane de Leon ng mapanuod ko sa TV, malakas ang screen presence niya, maganda ang boses niya, at palagay ko magiging malaki siyang star. Big project ang Darna na pag binigay mo sa isang baguhan will really stir interest. Tiyak na magiging important star si Jane de Leon. At itong ugali niya na nag-reach out isang malaking plus factor sa isang artista na tulad niya. Thank you Jane, well appreciated, salamat,” pahayag ni Lolit.

Si Lolit Solis ay isang entertainment reporter, talent manager, at host sa Pilipinas. Kilala siya para sa kanyang matapang na komentaryo hinggil sa iba’t ibang isyu sa showbiz, lipunan, at pulitika. Isa sa kanyang kontrobersyal na viral na post ay tungkol kay Heaven Peralejo. Nilabas niya na humingi si Heaven ng P100,000 kay Senator Manny Pacquiao at si Jinkee ang nagpadala ng pera sa batang aktres. Gayunpaman, ito ay itinanggi nina Jinkee, ng kanyang anak na si Jimuel, at ni Heaven. Kaya naman naglabas ng pampublikong paumanhin si Lolit para sa kanyang post. Kahit sa kabila ng kanyang pinagdaanang ups and downs, ang kanyang mga post ay nagpatuloy na binibigyan atensyon ng maraming tao.

This article was adapted from: https://kami.com.ph/entertainment/celebrities/145139-lolit-solis-na-touch-sa-pagdamay-sa-kanya-sa-ospital-ni-jane-de-leon/