Lindsay Custodio formally files complaint against husband

Pormal nang naghain ng reklamo ang actress-singer na si Lindsay Custodio laban sa kanyang estranged husband na si Frederick Cale.

Paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act ang reklamong isinampa ni Lindsay laban sa asawa niyang nakabase sa Canada.

Nangyari ang paghahain ng reklamo ni Lindsay sa City Prosecutor’s Office ng Muntinlupa City, noong Biyernes, Hunyo 7, 2024.

Ito ay makalipas ang isang taon matapos magdesisyon ang actress-singer na putulin ang lahat ng kaugnayan at komunikasyon sa mister noong Hunyo 12, 2023.

lindsay custodio frederick cale
Lindsay Custodio and estranged husband Fredrick Cale on their wedding day.

Photo/s: Nice Print Photography

“I have already filed a case and my legal counsel is Atty. Richard Librada,” pagbabahagi ni Lindsay sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes, Hunyo 11.

“I filed the case, Republic Act 9262, before the Prosecutor’s Office of Muntinlupa City.

“I subscribed it before Prosecutor Janine Rue P. Bareo.

“Assisted by my counsel, I learned that the case was already raffled and assigned to a city prosecutor of Muntinlupa.”

LINDSAY FILES COMPLAINT ON FEAST OF THE SACRED HEART

Inihain ni Lindsay ang reklamo noong June 9 dahil ito ang petsa ng Feast of the Sacred Heart.

“Feast of the Sacred Heart dahil itinaon ko na i-surrender kay Lord ang lahat.

“Sabi ko, ‘Lord, bahala Ka na,’ at ito rin ang umpisa ng healing journey ko,” pahayag ni Lindsay sa PEP.

Ipinaliwanag ni Lindsay na naaantala ang pagsasampa niya ng reklamo dahil kumonsulta pa siya sa psychologist para kumpleto ang kanyang mga ebideniya.

“It took a while for me to file because my counsel wanted na may supporting documents.

“I had to get an assessment and evaluation from my psychologist at sa dalawang doktor,” saad niya.

Ipinauubaya ni Lindsay sa Panginoong Diyos ang mga susunod na mangyayari sa reklamong inihain niya para tuluyan na siyang makalaya mula sa kanyang estranged husband.

“I pray and expect that justice will be served and the decision will be in my favor,” dasal ni Lindsay.

Bukas ang PEP sa panig ni Frederick Cale kaugnay ng reklamong inihain laban sa kanya ni Lindsay Custodio.