Lie Reposposa, binilhan ng bagong motorsiklo ang kanyang ama

– Sinorpresa ni Lie Reposposa ang kanyang papa ng isang bagong motor

– Ani Lie, dalawang buwan nang hindi nahuhulugan ang motor kaya bumili na lamang siya ng bago at binayaran ito ng buo

– Dinaan pa niya sa prank ang kanyang sorpresa at kunwari ay hinahatak na ang motor ng kanyang papa

– Abot-abot naman ang pasasalamat ng kanyang ama sa binigay ng anak niya sa kanya

Nagbigay ng malaking sorpresa si Lie Reposposa sa kanyang ama nang bilhan niya ito ng isang bagong motorsiklo. Ayon kay Lie, dalawang buwan nang hindi nahuhulugan ang motor ng kanyang ama kaya nagdesisyon siyang bumili na lamang ng bago at bayaran ito ng buo upang matulungan ang kanyang ama.

Lie Reposposa, binilhan ng bagong motorsiklo ang kanyang ama
Lie Reposposa, binilhan ng bagong motorsiklo ang kanyang ama
Source: Facebook

Upang maging mas espesyal ang sorpresa, dinaan pa ni Lie sa isang prank. Nagkunwari siyang hinahatak na ang luma nilang motor, na ikinagulat ng kanyang ama. Pagkatapos nito, pinakita ni Lie ang bagong motorsiklo bilang kapalit, na ikinatuwa at ikinagulat ng kanyang ama.

Read also

Lie Reposposa, masayang-masaya na naranasang mag-withdraw ng 1M

Nagpasalamat ng lubos ang ama ni Lie sa bagong motorsiklong natanggap mula sa kanyang anak. Ayon kay Lie, ito ang unang beses na gumawa siya ng prank, at masaya siyang naging matagumpay ito at nakapagbigay ng kasiyahan sa kanyang ama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng ‘Tawag ng Tanghalan’ sa It’s Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Nabahala si Lie sa labis na paglalagas ng kanyang buhok at humingi ng payo mula sa netizens. Ibinahagi ni Lie na kita na ang kanyang anit at pinag-iisipan na niyang magpakalbo dahil sa sitwasyon. Hindi na raw niya alam kung normal pa ang dami ng buhok na nalalagas tuwing siya ay magsuklay. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagpahayag si Lie na patuloy siyang lumalaban sa gitna ng kanyang pagkakasakit.

Ipinakita ni Lie ang larawan na ini-upload ng isang basher mula sa ibang bansa na may edited na mukha. Nakasaad sa caption ng post ang malisyosong mensahe na kapag isinalin sa English ay, “How are you going to ruin genetics like that, so fat.” Sinabi ni Angelie na edited ang kanyang mukha sa larawan at hindi ito tunay. Nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang insidenteng ito at nagpahayag si Angelie ng kanyang pagkadismaya.