Lian Paz’s Reaction to Atasha Muhlach’s P100 Daily Allowance Sparks Controversy

Ipinahayag ng dating dancer na si Lian Paz na nakaka-relate siya sa parenting style na natanggap ng Eat Bulaga host na si Atasha Muhlach, na ibinahagi na P100 lang ang natatanggap niyang allowance sa kanyang mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Lian Paz ang kanyang pagkamangha kung paanong hindi nagreklamo si Atasha Muhlach sa allowance na natanggap niya mula sa kanyang mga magulang sa kabila ng kanilang yaman mula sa kanilang matagumpay na showbiz career.

Ipinapalagay ni Lian Paz na kaya napagkasunduan ni Atasha Muhlach sa kanyang maliit na allowance dahil may posibilidad na hinahatid ito gamit ang pribadong sasakyan sa paaralan.

“Na-amaze ako to know about Atasha Muhlach’s 100 pesos daily allowance, kasi back then in college yan din ako. Pero sa akin, kasama na ang pamasahe at pangkain. O diba! Di Atasha baka di sundo naman or may school service, pure allowance lang ang 100 pesos,” pahayag ni Lian Paz sa kanyang post.

Hindi rin nakalimutan ni Lian na magpasalamat sa kanyang mga magulang sa pagtuturo sa kanya kung paano mag-budget ng kanyang pera.

Pero, dahil sa ilang reaksyon sa kanyang post, nagpasya si Lian na tanggalin na lamang ito.

“Dinilete ko ang post ko. Iniba kasi ang perspective nu’ng pinost ko. Imbes I am thanking my parents dahil sa pagturo nila ng values sa money. Marami kasi ang entitled lately na dapat malaki ang allowances, nakita ko pa nga ‘yung anak na nireklamo tatay niya kay Tulfo,” pahayag ni Lian Paz.