Legendary actress Gloria Romero dies at 91

Nagluluksa ang industriya ng pelikula at telebisyon ng Pilipinas dahil sa pagpanaw ng Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero.

Binawian ng buhay si Gloria nitong Sabado, Enero 25, 2025.

Siya ay 91.

Kinumpirma ng nag-iisang anak ni Gloria na si Maritess Gutierrez ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.

Nakasaad dito: “TO OUR DEAREST FAMILY, RELATIVES AND FRIENDS:

“It is with great sadness to announce the passing of my beloved Mother, Gloria Galla Gutierrez aka Gloria Romero who peacefully joined our Creator earlier today January 25, 2025.

“For those who want to visit the wake of Mama, it will be held in Arlington Memorial Chapel, Hall A, Araneta Avenue, Quezon City.

“In this time of loss, our family deeply appreciates the support, prayers, sympathy, all the lovely messages, and heartfelt condolences that we’ve received. She will surely be missed dearly.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi rin ni Maritess ang araw at oras ng lamay para sa kanyang mahal na ina:

January 26, 2025 (Sunday)

Exclusive for Family and Friends

5 P.M. – Novena, 6 P.M. – Mass

January 27 and 28 (Monday and Tuesday)

9 A.M. to 1 P.M. – Public viewing

1 P.M. onwards – Family and Friends.

WHO IS GLORIA ROMERO?

Ang tunay na pangalan ni Gloria ay Gloria Anne Borrega Galla.

Isinilang siya noong December 16, 1933 sa Denver, Colorado.

Ang mga magulang niya ay ang Filipino na si Pedro Galla at ang Spanish-American na si May Borrego.

Kapatid niya ang yumao nang aktor na si Tito Galla.

Noong 1937 ay umuwi ang pamilya ni Gloria sa Mabini, Pangasinan, upang bisitahin ang kanyang parental grandparents.

Ang dapat sana’y bakasyon lamang ay na-extend nang na-extend hanggang sumiklab ang World War II, na dahilan kaya naging permante na ang paninirahan nila sa Pilipinas.

Napangasawa ni Gloria ang dati niyang leading man na si Juancho Gutierez, na pumanaw noong 2005.

Ang nag-iisa nilang anak ay si Maritess Gutierrez.

juancho gutierrez gloria romero wedding
Movie stars Juancho Gutierrez and Gloria Romero tied the knot at Santuario de San Antonio in Forbes Park in Makati City on September 24, 1960.

Photo/s: Facebook

GLORIA ROMERO’S ILLUSTRIOUS MOVIE CAREER

Nagsimula ang showbiz career ni Gloria , sa edad na 16, noong 1949 nang maging extra siya sa pelikulang Ang Bahay Sa Lumang Gulod, at dalawa pang pelikula mula sa Premiere Productions — ang Prinsipe Don Juan at Bahay Na Tisa na parehong ipinalabas noong 1951.

Lumipat si Gloria sa Sampaguita Pictures, kung saan nagsimula rin siya bilang extra sa ilang pelikula.

Taong 1952 nang makuha niya ang kanyang kauna-unahang supporting role sa pamamagitan ng pelikulang Madame X, na pinagbidahan nina Alicia Vergel at Cesar Ramirez.

madame x 1952

Noong taong ding iyon ay naging leady siya ni Cesar Ramirez sa costume movie na Palasig.

palasig 1952

Ngunit ang itinuturing na breakthrough role ni Gloria ay ang Monghita (1952), kung saan nakatambal niya si Oscar Moreno, ama ni Boots Anson Roa-Rodrigo.

monghita 1952

Pagkatapos nito ay nagkasunud-sunod na ang blockbuster movies ni Gloria gaya ng Cofradia (1953), katambal si Ramon Revilla; Pilya (1954); Kurdapya (1954); at Despachadora (1955).

cofradia 1953

Napanalunan ni Gloria ang kanyang kauna-unahang best actress award mula sa FAMAS Awards noong 1954 para sa comedy film na Dalagang Ilocana.

dalagang ilocana

Narating ni Gloria ang rurok ng kanyang kasikatan noong mid-’50s hanggang mid-’60s, kung saan namayagpag sa takilya ang kanyang pelikula at naging sought-ater endorser ng mga nangungunang produkto, gaya ng Coca-Cola, Dari Creme, at Camay beauty soap.

Tumagal ng mahigit sa pitong dekada ang acting career ni Gloria, na mula sa pagiging leading lady ay tumawid sa character roles na nagpatunay sa kanyang kakayahan bilang isa sa pinakamahusay na aktres sa Pilipinas.

Kabilang pa sa mga nagmarka niyang pelikula ay Sino Ang May Sala? (1957); Esperanza at Caridad (1963); Iginuhit ng Tadhana (1963); Pinagbuklod ng Langit (1969); Pagdating Sa Dulo (1971); Lipad, Darna, Lipad! (1973); Karugtong ang Kahapon (1975); Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon? (1975)…

iginuhit ng tadhana

Gaano Kadalas Ang Minsan? (1983); Condemned (1984); Kung Mahawi Man Ang Ulap (1984); Bulaklak Sa City Jail (1984); Miguelito: Batang Rebelde (1985); Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? (1987); Bilangin Ang Bituin Sa Langit (1989); at Kapag Langit Ang Humatol (1990).

bulaklak sa city jail maritess gutierrez gloria romero

Gloria Romero with real-life daughter Maritess Gutierrez in a scene from Bulaklak Sa City Jail.

Ilan pa sa mga di malilimutan niyang pelikula ay Makiusap Ka sa Diyos (1991); Bakit Labis Kitang Mahal (1992); Kadenang Bulaklak (1994); Dahil May Isang Ikaw (1999); Tanging Yaman (2000); Magnifico (2003), Moments of Love (2006); Bahay Kubo: A Pinoy Mano Po (2007), at Rainbow’s Sunset (2018).

Tumawid din sa telebisyon si Gloia.

Isa sa di malilimutang karekter na ginampanan niya sa telebisyon ay bilang Minerva sa sitcom na Palibhasa Lalake (1987-1998).

palibhasa lalake

Gloria Romero (center) with Palibhasa Lalake co-stars (from left) Joey Marquez, Cynthia Patag, Richard Gomez, and Amy Perez.

Malaki ang kontribusyon ni Gloria sa Philippine entertainment industry.

Tumanggap siya ng mga Lifetime Achievement Award mula sa Luna Awards, FAMAS, Gawad Urian, Guillermo Mendoza Box Office Entertainment Awards, at Film Development Council of the Philippines.

Hindi na rin mabilang ang mga parangal na iginawad kay Gloria ng iba’t ibang award-giving bodies para sa mga kategoryang best actress at best supporting actress.

Gumawa si Gloria ng kasaysayan noong 2018 dahil siya ang pinakamatandang aktres na nanalo na pinakamahusay na aktres sa edad na 85 para sa Rainbow’s Sunset, ang opisyal na kalahok sa 44th Metro Manila Film Festival.

rainbow's sunset
Gloria Romero with Rainbow’s Sunset co-stars Eddie Garcia and Tony Mabesa.

Photo/s: Heaven’s Best Entertainment

Ang tribute para sa kanya na ginanap sa Manila Hotel noong Pebrero 28, 2024 ang huling pagkakataong nasilayan ng publiko si Gloria.

gloria romero tribute
Gloria Romero’s last public appearance was on February 28, 2024 when she was given a tribute by her colleagues in the entertainment industry.

Photo/s: Facebook

Nagsama-sama sa makasaysayang pagtitipon ang mga kaibigan at ang mga beteranong aktor at aktres.

Nagbigay-pugay sila Gloria sa pamamagitan ng pagdiriwan ng kanyang buhay, tagumpay, at pamana bilang reyna ng pelikulang Pilipino.

Shopping cart