Latest Trends:

OLYMPIC BRONZE MEDALIST NA SI AIRA VILLEGAS, IBIBIGAY ANG 2-MILLION INCENTIVES AT PROPERTIES NA NATANGGAP PARA SA KANIYANG PAMILYA

Ayon sa Olympic medalist na si Aira Villegas na isa ang mga magulang niya sa mga inspirasyon niya para magsumikap sa boxing.
Sa panayam sa kanya, sinabi ni Aira na siya na ngayon ang tumutulong sa kanyang mga magulang.
Hiling niya pa ay sana’y humaba ang buhay ng kanyang mga magulang upang maparanas niya ang kaginhawaan na hindi nila naranasan noon.
Ayon din kay Aira na lahat ng kanyang makukuha matapos siyang manalo ng bronze medal nitong 2024 Paris Olympics ay mapupunta lahat sa kanyang mga magulang.
“Mapupunta lahat yan sa pamilya ko, especially my parents,” aniya.
Matatandaan na makakatanggap siya ng P2-M cash incentives, at property sa Tagaytay.
Mayroon din siyang natanggap na bahay sa Tacloban kung saan siya nakatira, at kotse. ‎ ‎ ‎