Latest Showbiz News:

Rita Avila nagbahagi ng kwento tungkol sa mga kalakaran sa showbiz at ilang insidenteng naranasan niya.

“Nakakalungkot na may mga BIKTIMA at NAMBIKTIMA sexually sa SHOWBIZ.

Pero hindi naman LAHAT.

Sa Seiko Films, Viva Films at iba pang movie productions o TV ay wala naman akong na-encounter na ganun.

Nakarating lang sa akin ang kwentong pag may nago-audition daw ay sinasabihang ganun din ang pinagawa sa aming female lead stars. Kung malaswa ay HINDI TOTOO YON.

Tinutuya ako sa pagpapasexy. Excited nga ako sa SEXY SCENES noon kasi ganun pala ang ART, ganun pala ang epekto ng ILAW at ANGGULO, hindi kelangang ipakita ang kaluluwa.

PERO ETO KA. May isa pang SECRET.
(Kung tamad ka na magbasa ay OK lang naman)

Hindi pa ako artista noon ay may nakilala akong direktor na “binebenta” ako sa producer. Sabay nananamantala din itong direktor na ito. Pilit humahalik KADIRI. NAKAKATAKOT.

Nagsumbong ako sa nanay ko pero parang wala lang sa kanya. Yun pala ay naaabutan siya.

Minsan ay sa sarili ko pang cousin in law ako niya tinulak. Mabuti na lang ay naka-iwas ako. Kahiya-hiya.

Nakakapanliit. Nakakagalit. Sobrang masakit.

Bakit ko ibinahagi ito? Ito ang koneksyon sa isang post ko bago nito.

Kanya-kanyang kapalaran at paglalakbay sa buhay. May mga taong gagawa ng MALI sa atin, tayo man ay may gagawing MALI dahil di pa natin alam ang gagawin.

Ngunit sa huli, tayo ay mamumulat, matututo at makikilala ang mga sarili. Yun ang mahalaga.

Imbis na MANAPAK, MANG-AKAY

IG msritaavila