Lalaking pinuluputan ng anaconda, gumanti rin ng kagat para makawala?

Gumanti rin ng kagat ang isang lalaki para makawala mula sa anaconda na pumulupot sa kanyang braso sa Terra Santa, Brazil.

Base sa isang video, makikita ang anaconda na nakakagat pa sa braso ng lalaki.

Ayon sa mga nakakita, tumalon ang lalaki sa ilog para pigilan ang posibleng pag-atake ng sawa sa mga batang naglalaro.

Nakawala rin ang lalaki mula sa anaconda mahigit tatlumpung minuto ang nakalipas.

Nagkasugat ang lalaki sa kaniyang braso pero hindi na nagtungo sa pagamotan dahil wala raw itong iniindang sakit.

Ayon pa sa mga nakakita, lasing ang lalaki sa mga oras na iyon.

Samantala, ang kumagat sa lalaki ay tinatawag na Water Boa Snake, isa sa pinakamalaking ahas sa mundo.