Lalaking nang-hostage sa anak, nireklamo ng panghahalay sa anak ng live-in partner

• Ang 26-anyos na suspek ay nahuli ng mga awtoridad sa Taytay, Rizal matapos niyang i-hostage ang kaniyang 1 taong gulang na anak

• Ang hostage-taking ay nangyari sa Barangay Sta. Ana ng alas 7 ng gabi nitong Sabado

• Nireklamo ng live-in partner niya ang suspek sa umano’y panggagahasa sa anak ng kinakasama nito

• Ang suspek ay sumuko matapos ang mahigit isang oras na negosasyon at nagtamo ang bata ng sugat sa leeg

Naaresto ng mga awtoridad sa Taytay, Rizal ang isang 26-anyos na suspek na nang-hostage sa 1-taong gulang na anak ayon kay EJ Gomez ng “24 Oras Weekend” nitong Linggo.

Lalaking nang-hostage sa anak, nireklamo ng panghahalay sa anak ng live-in partner
Lalaking nang-hostage sa anak, nireklamo ng panghahalay sa anak ng live-in partner (PHOTOS: Mayor Allan De Leon/Facebook)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa Rizal Provincial Police Office Director na si Police Colonel Felipe Maraggun nireklamo ng live-in partner ang suspek dahil sa madalas na pag-abuso sa 13-anyo nitong anak.

Sinabi ng live-in partner na hindi nila nakita na bumalik ang suspek sa bahay nitong Sabado gabi.

“Pagtapos nun, tumakbo na siya hanggang highway daladala yung babay. Binaliktad niya yung bata at sinabi niya hindi lang ako mamatay ngayon, mangdadamay ako,” ayon sa tiyahin ng bata.

Read also

Isang bata sa Rizal, hinostage; nagdulot ng matinding traffic sa C6-Lakeview

Matapos ang isang oras na negosasyon ay sumuko ang suspek sa awtoridad.

Nagtamo ng sugat sa leeg ang bata matapos siyang tutukan ng sariling ama ng patalim nang i-hostage siya nito.

Sinabi ni Maraggun na maaaring ikulong ang suspek dahil sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Law; Alarm and Scandal; and Illegal Possession of a Bladed, Pointed, or Blunt Weapon.

Ang suspek ay nasa detention center ng Taytay Municipal Police Station.

Sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat ang mga balita sa social media, na nagiging dahilan ng mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon—maging ito man ay positibo o negatibo. Ang mga viral na balita ay kadalasang nagiging paksa ng usap-usapan, lalo na kapag may kasamang matinding emosyon o kontrobersiya.

Sa ibang balita, natakasan ng pasahero ang isang driver na naghatid mula sa Quezon City hanggang Pasay. Nagdahilan umano ito na susunduin lamang ang mag-ina ngunit hindi na ito bumalik.

Read also

Ama, sugatan matapos saksakin ng sariling anak sa Antipolo

Isang 21-anyos na taxi driver ang nasawi matapos saksakin ng dalawang magkapatid sa Baguio City matapos ang mainitang sagutan sa kalsada noong gabi ng Martes, Oktubre 1, 2024. Sa ulat ng GMA Integrated News, kinilala ang biktima na si Jhonsen Pelayo, na nasangkot sa insidente sa Asin Road.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!

Shopping cart