Lalaking may utang daw kay Yitzhak Cohen, iniuugnay sa pagpaslang sa magkasintahan

– Natagpuan ang mga bangkay nina Geneva Lopez at Yitzhak Cohen sa isang quarry sa Capas, Tarlac matapos silang mawala ng dalawang linggo

– Ayon sa kapatid ni Cohen, may utang ang suspek sa kanyang kapatid at inalok siya ng lupa bilang bayad

– Dalawang dating pulis ang nasa kustodiya dahil sa kanilang pinaghihinalaang pagkakasangkot sa krimen

– Tumutulong ang Israeli Embassy sa Manila at Department for Israelis Abroad sa pamilya Cohen sa paglilipat ng mga labi sa Israel

Maaaring may kinalaman ang isang may utang sa pagpatay kay Geneva Lopez, isang tubong Pampanga, at sa kanyang kasintahang si Yitzhak Cohen, ayon sa kapatid ng Israeli na biktima.

Lalaking may utang daw kay Yitzhak Cohen, iniuugnay sa pagpaslang sa magkasintahan
Lalaking may utang daw kay Yitzhak Cohen, iniuugnay sa pagpaslang sa magkasintahan
Source: Facebook

Nawala ang beauty pageant candidate na si Lopez, 27, at Cohen, 37, noong Hunyo 21 matapos ang inaasahang pagkikita sa isang nagbebenta ng lupaing pang-agrikultura sa Capas. Sabado ng umaga, natagpuan ng pulisya ang dalawang naaagnas na bangkay sa isang quarry.

Read also

Direk Lauren Dyogi, may pakiusap sa mga Blooms kaugnay sa viral incident nina Maloi at Aiah

Sinabi ni Yaniv Cohen, kapatid ni Yitzhak, sa Israeli news site na Ynet na ang kanyang kapatid ay nagpahiram ng pera sa isang lalaki na ang ina ay may sakit.

Ayon kay Yaniv, hindi daw nabayaran ang perang inutang sa kapatid niya.

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

“He lent him money a few years ago when his mother was ill, and he never returned the money. “

Ang lupa umano ang ipangbabayad nito sa pagkakautang.

“He arranged a meeting with him and told him he would give him land in exchange for the loan. Yitzhak and his partner, who was his right-hand woman, were supposed to meet at that piece of land which he said he would give him in return for the loan.”

Huling nakita sina Lopez, isang Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at ang kanyang Israeli boyfriend na si Cohen noong Hunyo 21. Bumiyahe ang dalawa mula sa kanilang tirahan sa Angeles City, Pampanga patungong Tarlac upang tingnan ang bibilhing lupa.

Read also

Celine Dion, binahagi ang video kung saan inatake siya ng kanyang sakit

Matatandaang sinusuri ng mga awtoridad ang CCTV footage ng sasakyan na ginamit ng Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen, na iniulat na nawawala noong Hunyo 22.

Nauna na ring naiulat na ilang tao na ang itinuturing na persons of interest (POI) ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkawala ng beauty pageant contestant mula Pampanga na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli na boyfriend na si Yitshak Cohen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!