Lalaki sa Florida na pumatay sa college freshman at ginahasa ang kapatid, binitay na

Binitay na ang isang lalaki mula sa Florida, United States na guilty sa pagpatay sa college freshman at panggagahasa sa nakatatandang kapatid ng biktima habang ang dalawa ay nasa camping trip.

Isinailalim sa lethal injection si Loran Cole, 57 anyos sa Florida State Prison.

Ipinataw sa kanya ang death penalty sa pagpatay kay John Edwards noong 1994, at nahaharap sa two life sentences dahil sa panggagahasa.

Ibinasura ng US Supreme Court ang apela ng mga abogado ni Cole na iginiit na ang kanilang kliyente ay nakaranas ng Parkinson’s Disease.

Batay sa court records, kinaibigan ni Cole at kanyang kaibigan ang magkapatid at inimbitahan sila palayo sa campsite, kung saan sila ninakawan at pinatay ang lalaki at ginahasa ang kapatid na babae.