Kyline Alcantara opens up about Kobe Paras meeting her parents

Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak sina Kyline Alcantara, 22, at Kobe Paras, 27, na sabay na makapanayam tungkol sa pagkakakilanlan nila.

Ito ay naganap sa The Farm by Concepcions sa Infanta, Quezon noong Ooctober 3, 2024, ilang oras bago sumalang ang Kapuso actress bilang guest performer sa “Libreng Star-Studded Concert,” na handog ni Vice Mayor L.A. Ruanto.

Kabilang sa interbyu ang awtor na ito ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), kasama ang entertainment news reporter ng GMA-7 na si Lhar Santiago, at showbiz columnist na si Lito Mañago.

Inamin ni Kyline na may basbas ng kanyang ama na si Butch at ina na si Weng ang pagiging malapit niya kay Kobe.

Nang tanungin kung ano ang impression ng parents niya kay Kobe, pabirong sagot ni Kyline, “Ang lakas daw po niyang kumain. Hahaha!”

Sabay inilarawan ni Kyline ang pakikisalamuha ni Kobe sa kanyang pamilya.

“Si Papa po kasi, hindi siya ma-affirm by words.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“As long as na nakikita ko si Papa ko at si Kobe na nagba-bond, and they’re laughing, that’s a confirmation for me na parang, ‘Oh my gosh, in fairness nagkakasundo sila.’

“Even my brother po [Kendt and Roan], naglalaro sila ng pusoy dos, and nagba-bond sila.”

Patuloy ni Kyline, “Si Mama naman sa ano siya, e… Hindi po kasi ma-words ang pamilya ko, e.

“‘Yun si Mama ‘pag tumingin siya, at ramdam ko na pinagkakatiwalaan ni Mama, like halimbawa ‘pag lumabas kam—movies, brunch or dinner, doon ko po nararamdaman na, ‘Ah okey, puwede na.'”

Sa parte ni Kobe, excited siyang maipakilala si Kyline sa ina na si Jackie Forster.

Rebelasyon ni Kobe, “Kulang na lang talaga na ma-meet nang mom ko si Ky.

“My mom is in Europe right now. Nasa Amsterdam siya. So, hopefully when that day comes, I’ll be happier.”

Nakukuwento naman daw ni Kobe si Kyline sa ina.

Tukoy pa ni Kobe kay Jackie: “We had some various Facetime calls. She expresses to me how much she’s excited to meet her [Kyline].

“So, it excites me as well ’cause I haven’t seen her a while.”

Kyline Alcantara opens up about Kobe Paras meeting her parents

KYLINE ALCANTARA ON REAL SCORE WITH KOBE PARAS

Wala pa ring direktang pag-amin sina Kyline at Kobe sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Pero marami sa mga sumusubaybay sa kanila ang naniniwalang may espesyal na ugnayan na ang mga ito.

Pahayag ni Kyline, “Ako naman po, ang laging sagot ko diyan is ‘what you see, is what you get.’ Yun naman po ang sinasagot ko lagi.

“Again, sinabi ko naman before, it’s not my responsibility to explain, or confirm nor deny anything to the public.”

Alam daw ni Kyline na hindi maiwasang pag-usapan ang private lives nila ni Kobe dahil sa kanilang trabaho.

Pero diin niya, “But we’re not public properties, we’re public figures.

“Again, my right po kami na mag-deny or mag-confirm ng anything.”

Kyline Alcantara opens up about Kobe Paras meeting her parents

Idinaan naman ni Kobe sa biro ang kanyang saloobin.

“Ako, sasagot ako,” nakangiting hirit ni Kobe.

Downplay ni Kobe, “Merong famous quote online ngayon, e. ‘So we’re just friends. We’re just friends.’ We’re very close friends.”

Kahit medyo naiilang pa rin, sinabi ni Kobe na komportable siya sa mundong ginagalawan ni Kyline sa showbiz.

Lalo pa’t mga artista ang kanyang mga magulang na sina Benjie Paras at Jackie, pati na rin ang nakatatandang kapatid niya na si Andre Paras.

Kinalakihan pa niya ang pag-aartista nina Benjie at Andre, kaya hindi naman daw bago sa kanya.

Si Kobe lang mismo ang baguhan pagdating sa personal niyang pagdalo sa showbiz events.

Hirit ni Kobe, “Feeling ko nga, mas sumisikat ako ngayon, dahil kay Kyline.

Sabay bawi niya, “Hindi, joke lang.”

Kyline Alcantara opens up about Kobe Paras meeting her parents

WHAT KYLINE ALCANTARA AND KOBE PARAS LIKE ABOUT EACH OTHER

Sumeryoso naman si Kobe nang usisain kung anong mga katangian ni Kyline ang nagustuhan niya.

Malaki ang paghanga ng binata sa pagmamahal ni Kyline sa pamilya.

“I said this in a lot of my interviews—her fire, her passion for work, her ambitions, it’s close to mine.

“It’s very nice to see a girl-boss doing her thing and taking care of her family and providing for her family. Not a lot of people do that.

“I don’t really have a lot of friends who provide [for] the family, or have the pressure to take care of them.

“So, she makes me happy, and makes me very proud. Ganoon po siya na tao.”

Panay ang pakuwelang hirit ni Kobe habang iniinterbyu ito.

Pero nagpaunlak din ito sa paglalarawan ng nagustuhan niya kay Kyline physically.

Tiningnan niya muna ng matagal si Kyline bago sinabing, “Sa akin po, yung mata.

“Sabihin ko sana yung forehead, pero ang mata po [talaga].

“Yun po ang nakita ko when I first met her.”

Kyline Alcantara opens up about Kobe Paras meeting her parents

Panay tawa rin si Kyline sa mga biro ni Kobe—isa sa patunay na masaya sila sa company ng isa’t isa.

Pero sineryoso rin ng dalaga ang pagsagot kung ano naman ang nagustuhan niya kay Kobe.

Sabi ni Kyline: “Well, si Kobe kasi, mas lalong nagkakilala kami or mas nakikilala ko siya, nakikita ko talaga na he’s independent, he’s caring as much as sa sarili niya and sa family niya, and kahit sa mga kaibigan niya, actually.

“I’ve known some of his friends po, and sinasabi po talaga nila na iba si Kobe mag-alaga. He’s really thoughtful.

“And last, he’s funny. Manang-mana kay Tito Benjie.”

Dagdag pa ng dalaga, “Physically, ako yung smile niya.”