
Kyline Alcantara, nabanggit kay Ivana ang kanyang pet peeve
– Si Kyline Alcantara ang guest ni Ivana Alawi sa kanyang pinakabagong vlog
– Game na game itong kumain ng street foods sa Ugbo Tondo Manila
– At habang binabaybay nila ang kalsadang puno ng pagkain, game na game din si Kyline sa Q and A sa kanya ni Ivana
– Isa sa mga natanong sa kanya ni Ivana ay ang tungkol sa kanyang “pet peeve” o bagay na pinakaayaw nito o kinaiinisan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Game na game si Kyline Alcantara sa street food challenge sa kanya ni Ivana Alawi sa pinakabago nitong vlog.

Source: Instagram
Dumayo sila sa kahabaan ng Ugbo street sa Tondo, Manila kung saan sumalubong sa kanila ang iba’t ibang klase ng pagkain na minsan nang nag-viral o napag-usapan.Dumayo sila sa kahabaan ng Ugbo street sa Tondo, Manila kung saan sumalubong sa kanila ang iba’t ibang klase ng pagkain na minsan nang nag-viral o napag-usapan.
At habang nag-eenjoy sila sa mga pagkain sa Ugbo, game na game din si Kyline sa ‘Question and Answer’ sa kanya ni Ivana.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa na nga rito ay kung ano nga ba ang ‘pet peeve’ ni Kyline o ang bagay na labis niyang kinaiinisan o inaayawan.
“Siguro ‘yung tao na walang direksyon sa buhay. Basically, ayaw ko sa tamad.”
Paglilinaw pa ni Kyline, hindi lamang ito patungkol sa jowa o karelasyon ngunit kahit kanino pa man.
“Not necessarily naman the jowa, but like, anyone.”
Gayunpaman, mas lalong ayaw daw nya ito sa kanyang makakatuluyan dahil sapat nang naranasan niya ang mawalan ng salapi na siyang naging dahilan naman ng kanyang pagsisipag ngayon.
“Kasi magbi-build kayong empire together e. Saka, sabi ko nga pagdating sa karelasyon or sa jowa, gusto ko ‘yung hindi tamad, yung may direksyon sa buhay, kasi naranasan ko na yung walang pera at all. Ayaw kong maranasan ‘yun ng mga anak ko. Kaya rin ako nagtatrabaho nang sobra-sobra.”
Narito ang kabuuan ng masayang kwentuhan at food trip nina Kyline at Ivana:
Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na “StarStruck” sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 19.1 million ang kanyang mga YouTube subscribers. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni Ivana ay nang maging bahagi siya ng FPJ Batang Quiapo kung saan ginampanan niya ang karakter bilang si Bubbles.
Kamakailan nga ay isa si Ivana sa mga house guest sa Pinoy Big Brother celebrity collab edition ngayong taon. Dahil dito, kasama si Ivana sa makasaysayang edisyon na ito ng PBB kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama ang ilang Kapuso at Kapamilya stars sa loob ng bahay ni Kuya.
Samantala, si Kyline Alcantara naman ay isa sa mga maituring na mahuhusay na Kapuso actress ng kanyang henerasyon. Ilan sa mga proyekto niya sa GMA ay ang Kambal-Karibal, Inagaw na Bituin, Bilangin ang Bituin sa Langit, I left my heart in Sorsogon, Luv is: Love at first read at ang pinakabago nilang proyekto ni Barbie Forteza na ‘Beauty Empire.’
Matatandaang naging kontrobersyal ang love life ni Kyline nang makipaghiwalay ito kay Mavy Legaspi. Gayundin sa sinasabing hiwalayan nito kay Kobe Paras na nagkaroon pa umano ng samu’t saring espekulasyon dahil sa babaeng kasama umano ni Kobe at sa naging pahayag ng ina nitong si Jackie Forster.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Source: Kyline Alcantara, nabanggit kay Ivana ang kanyang pet peeve