Kyline Alcantara, Kobe Paras kandong video goes viral

Viral ngayon sa social media ang “kandong” video ng rumored couple na sina Kyline Alcantara at si Kobe Paras.

Sa TikTok, ibinahagi ng isang netizen ang videoke session nina Kyline at Kobe.

Makikita sa video na kumakanta si Kobe ng “Hinahanap-hanap Kita” ng bandang Rivermaya, habang nakakandong sa kanya si Kyline.

Hindi malinaw kung saan at kailan kuha ang video pero halatang masayang-masaya ang rumored couple.

Makikita sa bandang dulo ng video na hinalikan pa ni Kobe si Kyline sa balikat.

Kobe Paras kissing Kyline Alcantara's shoulder

Photo/s: Courtesy: Facebook

Caption ng uploader, “Hinahanap-hanap kita ctto:@rhiannalorain0 #fyp #josh #lyricsvideo #cover #singing

@josh41082 Hinahanap-hanap kita ctto:@rhiannalorain0 #fyp #josh #lyricsvideo #cover #singing ? original sound – Rhianneyks

KYLINE ALCANTARA, KOBE PARAS TO FLY TO CHINA

Samantala, nakatakdang lumipad papuntang China sina Kyline at Kobe para sa isang proyekto.

Hindi pa malinaw kung nakaalis na sila sa Pilipinas o papaalis pa lang.

Sa ulat ng 24 Oras noong August 16, 2024, sinabi ng Kapuso actress na nagpasalamat siya at pumayag si Kobe na makasama niya sa hindi tinukoy na proyekto.

Sabi ni Kyline, “We’re ready to explore a lot of things in life and I’m thankful that he said yes kasi I’m excited po to work with him.”

Looking forward naman daw siya sa bonding nila habang nasa China.

Aniya, “Definitely the food trip kasi yun po talaga yung bonding namin.”

Hindi man umaamin kung ano ang real score nila, sinabi ni Kyline na hindi nila ma-describe ni Kobe ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Paglalarawan niya, “It’s a different feeling po, so I don’t know the exact words to describe it. Lumalabas na lang siya through actions, through our auras, I guess, I cannot find the exact words.”

Nauna na rito, spotted din ang dalawa na magkasama, kasama ang ama ni Kobe na si Benjie Paras at kapatid na si Andre Paras.

Hindi pa rin inamin ng dalawa ang totoong estado ng kanilang relasyon.