Krishan Pauline Alerre is Miss Aura International 2025

Ang representative ng Pilipinas na si Krishan Pauline Alerre ang kinoronahang Miss Aura International 2025.

Ginanap ang finals ng pageant sa Rixos Sungate Resort sa Antalya, Turkiye, kaninang madaling araw (oras sa Pilipinas), May 24, 2025.

Krishan Pauline Alerre crowned Miss Aura International 2025
Krishan Pauline Alerre of the Philippines crowned as Miss Aura International 2025 in Antalya, Turkiye.

Photo/s: Courtesy: Instagram/ Missosology

Sa Instagram, inihayag ni Krishan ang kanyang damdamin tungkol sa pagkapanalo sa pageant.

Aniya, sobra siyang masaya at nagpapasalamat sa mga taong sumuporta sa kanyang journey.

Sabi pa ni Krishan, “Good morning, PILIPINAS (PH emoji)

“Still feels like a dream—winning Miss Aura International 2025 has me floating on cloud 9! I’m overwhelmed with gratitude and love.

“Thank you to everyone who believed in me and supported this journey. This crown is not just mine—it’s for you everyone. Proud to bring this honor home!

@missaurainternational @adnanseker @ya_yanushka @misspearloftheorientph

Si Krishan ang pangalawang nag-uwi ng korona ng Miss Aura International sa Pilipinas.

Una na itong napagwagian ni Alexandra Faith Garcia noong 2021.

First runner-up naman sa pageant ang kandidata ng Romania (Kira Andreea Stan), second runner-up ang mula sa Czech Republic (Karin Basilkova), third runner-up ang pamabato ng Thailand (Ilin Nabsuk), at fourth tunner up naman ang kandidata ng Kyrgyzstan (Diana Almazbekova).

KRISHAN FOR AURA INTERNATIONAL, PATRICIA FOR MISS ORIENT TOURISM GLOBAL

Maituturing namang masuwerte talaga sa pageants ang Pilipinas dahil kagabi, May 23, 2025, nagwagi rin ang pambato ng Pilipinas sa kauna-unahang edisyon ng Miss Orient Tourism Global 2025.

Si Miss Philippines Patricia Anne Nichole Bangug ang kinoronahang unang titleholder ng pageant na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang kandidata naman mula sa Malaysia (Joey Tan) ang tinanghal na first runner-up at si Miss Ghana (Lawrencia Ama Yeboah) ang ginawaran ng second runner-up award.



Source: Krishan Pauline Alerre is Miss Aura International 2025