Kris Aquino, may bagong proyekto; nais panatilihing pribado ang buhay pag-ibig

– Ibinahagi ni Kris Aquino na maglulunsad siya ng bagong palabas bago matapos ang 2024

– Makikita sa palabas ang kasalukuyang buhay ni Kris, kasama si Bimby at ang kanyang malalapit na kaibigan

– Pinili niyang panatilihing pribado ang kanyang relasyon hanggang sa maganap ang pag-iisang dibdib nila

-Aniya, imbitado ang publiko kung sakaling matuloy ang kanilang simpleng kasal

Sa kanyang pinakahuling post, ibinahagi ni Kris Aquino na mayroon siyang bagong proyekto na ilulunsad bago matapos ang 2024. Ayon kay Kris, ang palabas na ito ay magpapakita ng kanyang kasalukuyang buhay kasama si Bimby at ang kanyang malalapit na kaibigan.

Kris Aquino, may bagong proyekto; nais panatilihing pribado ang buhay pag-ibig
Kris Aquino, may bagong proyekto; nais panatilihing pribado ang buhay pag-ibig
Source: Instagram

Sabi nyo, you miss watching me. I want to thank my former ABS-CBN bosses for allowing Jasmin and Darla to work with me on a show which will launch before 2024 ends.

Pinayagan umano siya ng mga dating boss sa ABS-CBN na makatrabaho sina Jasmin at Darla para sa proyektong ito. Bagama’t hindi pa niya ibinunyag ang buong konsepto ng palabas, tiniyak niyang makikita ng publiko ang “reality” ng kanyang buhay ngayon.

Read also

Kris Aquino, nagbahagi ng health update matapos niyang makauwi sa Pilipinas

Secret muna yung concept, but you will get to see my present day journey and as much as possible the reality of Kris, Bimb, and my “through the years” best friends (my extended family) and definitely my team of doctors who are now among my most trusted friends

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, humingi ng paumanhin si Kris sa mga sumusubaybay sa kanyang buhay pag-ibig, dahil pinili niyang panatilihing pribado ang kanyang relasyon hanggang sa sila ng kanyang groom ay magpalitan ng mga sumpa sa kanilang maliit na kasal. Ngunit nilinaw niyang imbitado ang lahat kung sakaling dumating ang araw ng kanilang kasal.

“Apologies, but until my groom and i exchange vows, in that very small wedding (but surely not held outdoors) i’m choosing to keep my relationship private. Ibalato nyo na sa kin yun. Invited naman kayong lahat if and when sa kasal.”

Read also

Maya Henry, binalaan daw ng kaibigan ni Liam Payne na huwag ilabas ang sinulat nyang libro

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso’t isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!