Kris Aquino, humiling na bisitahin ni Angel Locsin bago siya pumuntang Houston

Sa isang Instagram post ni Angel Locsin, ibinahagi ni Kris Aquino na hindi sila natuloy sa kanilang biyahe papuntang Amerika kasama ang mga anak. Ipinagbigay-alam rin ni Kris na nagkaroon siya ng asthma attack dahil sa kanyang chronic sinusitis. Hindi siya pinayagan ng doktor niya na magpatuloy sa biyahe dahil sa kanyang blood pressure. Dahil dito, hiniling ni Kris kung pwede daw siyang bisitahin ni Angel bago siya tuluyang bumiyahe papuntang Houston.

Sa kanyang komento sa Instagram post ni Angel, ibinahagi ni Kris na inihingi pa ni Angel ng paumanhin ang pahayag nito na sana hindi pa matuloy sila sa kanilang biyahe. Ayon kay Kris, inihingi ni Angel ng dispensa kung selfish umano siya dahil hindi pa siya handang mag let go.

Napag-alamang si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino at ang kanyang tatay naman ay ang dating Senador Ninoy Aquino. Siya rin ay kapatid ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ang “Queen of All Media” ay may dalawang anak, si Josh kay Philip Salvador at si Bimby kay James Yap. Naging usap-usapan din ang engagement ni Kris sa isang taong hindi niya pinangalanan, ngunit kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito. Gayunpaman, hindi natuloy ang engagement at ibinahagi ni Kris na hiwalay na sila ni Sarmiento.