Kris Aquino flies back to the Philippines for chemo sessions

Balik-Pilipinas na ang TV host-actress na si Kris Aquino, matapos mamalagi ng halos dalawang taon sa California, USA, para magpagamot sa patung-patong niyang autoimmune diseases.

Sa Instagram nitong Huwebes, September 12, 2024, kinumpirma ni Kris ang pagbabalik sa bansa para rito na ipagpatuloy ang kanyang gamutan.

Dito ay sasailalim siya sa immunosuppressant infusions, o mas kilala sa tawag na chemoteraphy, na magsisimula raw sa loob ng dalawa o tatlong linggo.

Kris Aquino pens thank you messages on what could be her

Photo/s: Screengrab from Instagram | @krisaquino

Mahirap man, malaking tulong daw kay Kris ang patuloy na natatatanggap na suporta at tiwala mula sa kanyang pamilya, malalapit na kaibigan, at pinagkakatiwalaang doktor sa bansa.

Lalo na’t ito raw ang maituturing niya ngayong matinding laban na kanyang kahaharapin sa buhay.

Mababasa sa caption ni Kris, kalakip ang litrato ng watawat ng Amerika, isang emoji ng eroplano, at watawat ng Pilipinas (published as is): “The reason i decided to go home is because i need to start my second immunosuppressant infusions in 2-3 weeks (it’s a gentler term for chemotherapy).

“Emotionally i need the encouragement and unwavering faith my sisters & cousins, closest friends, and trusted team of doctors can provide… sadly what was the BATTLE TO IMPROVE MY HEALTH is now THE STRUGGLE TO PROTECT MY VITAL ORGANS.

“This is now the FIGHT OF MY LIFE.”

KRIS AQUINO NOW battling six autoimmune diseases

Kasabay ng kanyang pagbabalik-bansa ang pag-anunsiyo ni Kris na muli na namang nadagdagan ang kanyang autoimmune conditions.

Sa kasalukuyan ay mayroon na raw siyang anim na autoimmune conditions, at maaari pa itong madagdagan ng dalawa sa mga susunod na araw sa oras na lumabas ang resulta ng kanyang mga lab test.

Ani Kris (published as is), “i choose to be 100% honest. i arrived in the us with 3 diagnosed autoimmune conditions, a 4th was confirmed in late June of 2022 (1. Autoimmune Thyroiditis 2. Chronic Spontaneous Urticaria 3. Churg Strauss/EGPA- a rare, complicated form of vasculitis 4. Systemic Sclerosis and this 2024 i was diagnosed with 5. SLE/Lupus and 6. Rheumatoid Arthritis.) We are still waiting for the results of 2 more autoimmune conditions.”

KRIS THANKS HER FAMILY, SUPPORTERS, AND FRIENDS

Sa kabila ng mabigat na pinagdaraanan, malaki raw ang pasasalamat ni Kris sa mga patuloy na nagmamalasakit sa kanyang kondisyon at nagdarasal sa paggaling niya.

Aniya (published as is), “I thank all of you for your prayers. MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PATULOY NA MALASAKIT AT SUPORTA.”

Inisa-isa rin niyang pinasalamatan ang mga kumalinga sa kanya habang nagpapagamot sa Amerika. Lalo’t higit sa dalawa niyang anak sina Josh at Bimby na naging lakas daw niya para magpatuloy at lumaban.

Saad ni Kris (published as is): “There are so many i wish to thank, our OC friends who became our adoptive family.

“The @flypal team, my 2 Fil-Am close friends Dr. Henry & Dr. Titus, and MY Dr. MP, my 3 best friends @michaelleyva_ , @lenalonte, and @annebinay (kuya josh is staying with ANNE for a few more weeks), my FILAM nurses (Mike, Cara, Patricia) and my source of strength, and God’s biggest blessing, my “BIMB”. They are flying home with me. A longer gratitude post when we get home.

“Bawal Sumuko. Tuloy po ang #Laban.”

June 2022 nang lumipad pa-Amerika si Kris para magpagamot.