Kris Aquino Breaks Down Over Bimby’s 12-Year Struggle

Sa edad na 12 years old ay alam na ni Bimby Aquino na mayroong life-threatening na sakit ang kanyang ina na si Kris Aquino.
Matatandaan na noong September 2018 unang ibinahagi ni Kris Aquino ang nalaman nila ni Bimby patungkol sa kanyang kalusugan.

Unang nagkaroon ng matinding weight loss si Kris Aquino na labis niyang ikinabahala hanggang sa nakita na ang pagkakaroon niya ng mga autoimmune disease.

Noon pa man ay kasa-kasama na ni Kris Aquino ang kanyang anak na si Bimby Aquino na nasa edad na 12 years old ay namulat na sa karamdaman ng kanyang ina.

Ito rin ang dahilan kung bakit malaki ang pasasalamat ni Kris Aquino sa kanyang anak sa katatagan at sa hindi pag-iwan sa kanya mula nang malaman nila ang kanyang mga karamdaman na naging dahilan ng kanyang matinding pagbaba ng timbang.

Matatandaan na noong nakaraang kaarawan ni Bimby Aquino noong April 19, 2024 ay nagbahagi si Kris Aquino ng appreciation letter para sa kanyang bunsong anak kung saan inihayag niya ang kanyang takot na baka hindi na niya maabutan pa ang susunod na kaarawan nito.

Hindi umano natupad ni Kris Aquino ang kanyang pangako kay Bimby na magiging matatag simula noong malaman nila ang totoo niyang karamdaman.

Marami naman ang naantig at humanga sa pagmamahal ni Bimby Aquino para sa kanyang ina na si Kris Aquino dahil sa pagpili nitong makasama ang alalayan ang kanyang ina na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga karamdaman kaysa sa pagpasok sa showbiz industry,

Sa ngayon ay patuloy pa ring hinihiling ng maraming netizens ang patuloy na pagbuti ng kalagayan ni Kris Aquino upang makasama pa niya ang kanyang mga anak na labis na nangyayari sa kanya.