
Korina Sanchez reveals how she adapts to changing TV landscape
Naka-season break ang mga programa niyang TikTalks, Face to Face: Harapan, at GoodWill kaya nagkaroon ng oras si Korina Sanchez-Roxas na makipagkuwentuhan over lunch sa entertainment media.
“May mga araw na hindi ko alam ang gagawin ko sa sarili ko!” natatawang bulalas ng tinaguriang “Multimedia Platforms Kween” noong Hunyo 6, 2025, Biyernes, sa tahanan nila ni Mar Roxas sa Araneta Compound, Cubao, Quezon City.
“Parang nasanay na ako sa pace na kagimbal-gimbal…
“Kasi ang style nila ngayon, nagre-replay sila, e, di ba? Iba na talaga ang style ngayon.
“Ang season breaks nila, medyo as long as they can make it profitable, I suppose, oo.
“Hindi tulad dati, you can’t really be on season break for very long. Kasi yung ratings, di ba? Yung ratings war dati.
“Ngayon, parang medyo mas relaxed na ang ratings war. Because first of all, the audience of TV is now dispersed.
“Many of them don’t really watch real time on television. Right?
“So, parang even for management, it’s still OK for them to… because many have not watched this episode, this episode.
“So, OK lang sa kanilang mag-replay.”
KORINA SANCHEZ ON ADAPTING TO CHANGE
Mas maganda yung ganoong sistema ngayon sa TV? Hindi nanonood ng real time ang karamihan sa televiewers. Nanood sila ng programa kung kailan nila gustong manood.
“All network owners will tell you ‘no’! But for talents, there are a lot more platforms,” sabi ni Korina.
“There are a lot more platforms. So I discovered that, kasi I was a corporate talent for all my career, 25 years.
“Biglang nagkasabay yung closure ng ABS-CBN and pandemic. Nagbago lahat. Talagang nagbago lahat.
“Kaya tama yung sinasabi ng this great thinker that I was watching on CNN. I think he was being interviewed. He’s Indian.
“Tanong sa kanya ng anchor, ‘What is the single one best thing you can teach your children?’
“So akala ko, peace on earth, di ba? Yung mga Miss Universe answer.
“No, he says, ‘The most important thing you can teach your child is adapting to change.’
“Because change is the only constant. And this kind of change is like a 180-degree turn. Parang talagang tumaob ang industriya, ano?
“At kung hindi ka marunong mag-adapt sa change, diyan ka na talaga maiiwan kundi mamamatay, I mean figuratively and literally. Di ba?
“So, as soon as that happened, mabuti na lang, ano ako.”
Kailan siya nag-umpisang umagpang sa pagbabago?
“Immediately. Hindi pa nga masabi sa akin ng ABS-CBN noon na papakawalan na nila ako, nag-iisip na ako ng next step ko, e,” pagsisiwalat ng veteran broadcaster.
“Mabuti na lang, ganun yung training ko. Survival mode ako parati.
“E, kasi I was an executive producer for ABS for so long. You know, fighting that ratings war for 25 years.
“Because I was also E.P., remember? Hindi lang ako talent, e. So because of that training, parang battle-ready parati.
“Sabi ko, viable ang Rated K. It didn’t skip a beat, naka-Facebook kaagad. Naka-Facebook kaagad ang mga interview ko this time. Nakakuha ako ng isang sponsor lang to pay people.
“So, may skeletal force ako ng apat. Pupunta sila sa condo ko, doon kami magsu-shoot. May mga drone-drone pa kami, et cetera.
“And then soon after, just about two months, I was picked up already by Brightlight, Albee Benitez, oo.
“So he put me on TV5… Tapos nag-ano pa, simulcast with ABS-CBN. Kasi malikot na negosyante si Albee, e, si Boss Albee. So he was able to negotiate that.
“So, parang hindi nawala yung Rated Korina because when they let me go, nagpapaalam na ako nang maayos siyempre sa ABS-CBN.
“And then one of the best advice that I received from Boss Carlo Katigbak [ABS-CBN president] at that time, ‘Korina, you have to own your show.’
“Sabi niya, ‘Own it.’ So I registered it sa SEC et cetera. So I owned it. So I became line production.
“Which made it better for business, for me. So, parang importante yun for a talent na you’re able to like tweak it to your advantage.
“So ngayon, Rated Korina, even the jingle, sa akin lahat yan. So I can determine content. I can determine content, and I can sell my content which makes it a lot more lucrative for the producer.
“Uy! Ang pasuweldo ko, parang ano, ha, rates ng ABS-CBN noong heyday niya, ha?! Kasi gusto ko naman ng tao siyempre.”

Korina Sanchez in Rated Korina
GENEROUS PRODUCER
Naka-season break man ang TikTalks, Face to Face: Harapan, at GoodWill, andiyan pa rin ang mga programa niyang Rated Korina, Agenda, at Korina Interviews.
Anim ang kanyang shows kaya noong nag-party sila, sa dami ng mga tao ay nasabi niya, ‘Hay! Ganito pala ang feeling ni Deo Endrinal!”
Iba-iba ang production staff sa bawat programa niya.
“Nakakaloka! Nakakasira ng ulo! Kaya’t time management,” sambit ni Korina.
“Kasi pag producer ka, kahit magagaling ang mga tao mo, ang dami nilang tanong! Ang dami nilang tanong!
“Anong uulamin? Saan itatago yung silya? O may gasgas yung mesa, pababarnisan ba natin?
“Sabi ko, ‘Talaga ba?!’ So, six sets of people are like texting me these mundane questions every day.
“Iba pa pag binabantayan mo talaga, lalo na ngayon siyempre, andaming platform. Pero lahat iyan, nagbabaan lahat ng budget iyan.
“So kailangan, ang budget, binabantayan mo. And nobody will care as much for the budget as the producer.”
Sabi ni Bayani Agbayani na kasama sa GoodWill, generous producer si Korina.
Napangiti ang Multimedia Platforms Kween: “Oo naman. Hindi ko naman kasi, ano naman iyon, e — hindi naman ako nagpapayaman.
“Pinamimigay ko din yung kinikita ko! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Mas marami nga akong nasasalbang aso’t pusa ngayon.
“Mas marami akong pinapaaral. Ha! Ha! Ha! Ha!”
WORKING ON A TIGHT BUDGET
Generous man bilang producer ay tinututukan pa rin ni Ate Koring ang budget ng mga pino-produce niyang programa, kagaya ng sitcom na GoodWill na napapanood sa NET 25.

Aniya: “Maliit na yung budget ngayon kaya kailangang bantayan mo. Halimbawa, sasabihin nung wardrobe mo, ‘Eto po yung mga kailangan nating bilhin. White shirt for Bayani Agbayani.’
“Sabi ko, ‘Talaga ba? Bibili pa tayo ng white shirt? Wala ba siyang white shirt na puwede niyang suutin? Puwera na lang kung tatapunan mo ng pintura iyan, e, puwede naman siguro tayong manghiram. Hihiram ako dito kay Mar.’
“O kailangan daw magmukhang donya ni Meg Imperial. So, magrerenta ng gown.
“Ang mahal! ‘Gamitin ito, andami dito! May Gucci ako dito, meron akong kung anu-ano, ipagamit nyo! Huwag nyong sisirain, babayaran nyo yan.’
“So, yung mga alahas, andami kong fake diyan! So, alam mo yung ganoon, as long as it’s well organized, puwede kang makatipid, e.
“So tinatanong ko si Maricel Laxa, tinatanong ko si Roselle [Monteverde], tinatanong ko si Enrico. ‘Am I unreasonable? Am I being bruha? Or talagang ganun dapat?’ ‘Korina, ganun dapat!’ Pag sobrang bait mo nga.
“So, yeah, nililibre ko pa sila, pinapakain ko pa sila sa labas, ganun.”
KORINA ON HOSTING FACE TO FACE
Nae-enjoy ba niya ang pagho-host sa Face to Face: Harapan?
Tugon ni Korina: “Naku, andaming nagsabi sa akin, ‘Bakit mo tatanggapin yan? Para kang referee sa mga nag-aaway sa barangay.’
“Andaming nagtatanong sa akin nun, right? I think I said this in the presscon when we’re starting that show, I said napaisip tuloy ako, ‘Korina, yung brand mo! Ano ka ba, alagaan mo naman yung brand mo!’
“Ano ba yung brand ko? E, mula sa pinakasosyal hanggang sa pinaka-nasa bara-barangay, ginagawa ko naman, di ba?
“Kaya sabi ko, ‘Saan ba ako galing? Di ba, galing ako doon sa Hoy! Gising. Meron pa nga kami dati, Kayo Ang Humatol. Si Charo ang producer. Sa barangay talaga kami.
“Talaga doon sila nag-aaway. Tungkol sa aso, tungkol sa manok, pinag-aawayan nila doon. E, doon naman ako galing. AM radio.
“Sabi ko, ‘Well, this is my brand.’ It’s really my brand. In fact, Bilyonaryo Channel wants me to do a show interviewing the very rich.
“Namumroblema ako, kasi hindi naman ako masyadong sanay doon sa mga mayayaman.
“Dito talaga ako sa mga nagsasabunutan dahil lang sa PHP600, di ba? Kaya abonado ako diyan, e.
“Really, abonado ako. ‘PHP600 lang, hindi na kayo mag-uusap habambuhay? Talaga ba? Ako nang bahala doon!’”

Photo/s: TV5 YouTube
Ganoon niya nilulutas ang hidwaan?
“Hindi lang ganun. Hindi naman sa nangungunsinti. Kaya lang, alam mo yung dahil lang sa PHP600, hindi sila maka-move on,” saad ni Korina.
“Hindi sila maka-move on! Ayaw bumukas nung suwerte sa buhay nila dahil sa PHP600. E, di abonohan ko na.
“Pero may sermon. May sermon. At saka tsine-check namin, ‘Pag kayo nag-away ulit, babawiin ko yung anim na raan ko, ha?’ Ganyan.”
TESTING ALL GENRES
Sa anim niyang shows, alin ang pinakanae-enjoy niya? Meron ba siyang paborito?
“Enjoy naman ako sa lahat kaya pinagtatanggap ko lahat iyan, iba-iba ang genre. Iba-iba, e,” lahad ni Ate Koring.
“Iba-iba talaga. Kasi masarap ding umupo ng isang oras kausap mo si Christopher de Leon. Pag-uusapan niya yung times na sobra siyang nalulong sa addiction.
“And how he climbed out from that hole. Iba rin yung nakukuha mo from that, di ba?
“Rated Korina, iba rin. Kasi, andami mong nakikilala. Andami mong puwedeng ikuwento.
“Lahat, pasok. Sports, horror, comedy, drama. Saka totoong mga buhay, di ba? And I get to travel with Rated Korina.
“News is news. O, bakit ko binalikan ang news sa Agenda. Wala lang, ang tagal ko nang hindi ginagawa, e. And then may offer, ganon.
“Kumusta naman ang editorial? OK naman. So, iba-iba. Iba-iba. And I want to test all those genres in the new landscape of media…
“Paramihan ngayon ng platform with smaller niche audiences. That’s why I’m in many. I’m in many.”

Photo/s: NET25 YouTube
Source: Korina Sanchez reveals how she adapts to changing TV landscape