Kinunsinte! Ina ni Andrea Brillantes nagsalita na sa relasyon ni Andrea at Daniel Padilla Translation: Confirmed! The mother of Andrea Brillantes spoke about the relationship of Andrea and Daniel Padilla.

Umaani ngayon ng samu’t-saring komento mula sa mga netizens ang reaksyon ng ina ni Andrea Brillantes na si Belle Brillantes sa mga natatanggap na pambabatikos ng kanyang anak mula sa mga fans ng KathNiel.

Tila hindi na nakapagpigil si Belle Brillantes sa mga netizens na patuloy na binabatikos ang kanyang anak dahil sa pagkakadawit nito sa hiwalayan ng KathNiel.

Matatandaan si Andrea Brillantes ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil palihim siyang nakikipagkita sa aktor kahit pareho silang may karelasyon.

Matapos aminin ng KathNiel sa publiko ang tuluyan nilang paghihiwalay, kaagad na bumuhos ang mga pambabatikos at mga paninisi kay Andrea Brillantes.

Bukod pa rito, nakatanggap na rin ng mga threat si Andrea Brillantes, kung saan may mga nagbabanta na ilalabas nila ang mga dating scandal ng aktres sakaling mapatunayan na ito ang kabit ni Daniel Padilla.

Samantala, hindi na natiis ni Belle Brillantes ang mga pambabatikos na ito para sa kanyang anak na aniya pa ay nakakaramdam ng depression.

Sinagot ni Belle ang isang komento ng netizens sa kung paano niya pinalaki si Andrea Brillantes. Tahasan namang ipinahayag ni Belle kung gaano siya ka-proud kay Andrea Brillantes dahil sa pagtulong nito sa kanya.

Napaaral umano nito ang kanyang mga kapatid at napagawan sila ng bahay. Ipinahayag din ni Belle na walang ambag ang bashers sa buhay ni Andrea Brillantes kaya walang karapatan ang mga ito na husgahan ang kanyang anak.

Ipinunto rin ni Belle Brillantes na wala namang ebedensya na makakapagturo sa ginawa ng kanyang anak, kaya naman bakit ito ang sinisisi ngayon?