Kinaroroonan ni Roque, hirap pa ring matukoy- CIDG

Aminado ang Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na nahihirapan silang matukoy ang kinaroroonan ni dating presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni CIDG spokesperson Police Lieutenant Colonel Imelda Reyes na laging nakakatakas umano si Roque tuwing magtatangka ang mga kapulisan na arestuhin siya.

Paglilinaw nito na mayroon na silang matibay na ebidensiya kung nasaan si Roque.

Magugunitang nahaharap sa contempt at detention order si Roque mula sa House Quad Committee dahil sa pagmamatigas nito na magbigay ng mga dokumento para imbestigasyon nila ukol sa operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGO).