Kim Rodriguez has revealed the truth about her relationship with Marc Pingris!

Naglabas na ng pahayag ang aktres na si Kim Rodriguez hinggil sa kinasasangkutan niyang isyu patungkol sa umano’y secret relationship nila ng basketball player na si Marc Pingris na mister ng kilalang personality na si Danica Sotto.

Nag-ugat ang mga speculations patungkol sa relasyon ng dalawa nang kumalat sa kanilang mga social media platforms ang larawan nilang dalawa sa mga lugar na parehong pinuntahan at ibinahagi sa kani-kanilang mga social media account sa halos kaparehong oras.

Mismong ang talent manager ni Kim Rodriguez ang naglabas ng pahayag ng kanyang alaga para linawin ang isyu sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong YouTube vlog.

Ayon kay Ogie Diaz, sinabi sa kanya ni Kim Rodriguez na walang katotohanan ang mga kumakalat na isyu. Nilinaw din ni Ogie Diaz ang kwento sa likod ng kumakalat na larawan sa isang fries stand.

Ayon sa paliwanag ni Kim Rodriguez, totoong nagpunta siya sa fries stand subalit, nag-stop over lamang siya kasama ang kanyang mga kaibigan dahil papunta sila sa Subic. Iginiit naman ni Kim Rodriguez na hindi niya alam kung kailan nagpunta roon si Marc Pingris.

Hindi rin umano natatakot si Kim Rodriguez kung itanong sa babaeng nasa larawan nila kung nakita ba silang magkasama ni Marc Pingris dahil alam naman umano nito ang totoo.

Nilinaw din ni Kim Rodriguez ang larawan nila sa Australia, ayon sa aktres kasama niya ang kanyang mga kaibigan na nagpunta roon.

Wala rin umano itong pakialam kung may picture din si Marc Pingris.

Inilahad naman ni Ogie Diaz na bilang talent manager, ayaw sana niyang magsalita pa si Kim Rodriguez kung wala namang katotohanan ang isyu.

Pero, isa rin siyang vlogger alam niyang inaasahan na ng kanyang mga followers ang pahayag ni Kim Rodriguez.

Gayunpaman, iginiit ni Ogie Diaz na hindi niya ginagamit ang kanyang vlog para iangat ang kanyang alaga o linisin ang pangalan nito dahil ipinahayag niya ang side ng aktres sa mga isyung kumakalat ngayon sa social media.

Nauna na rito ang paglabas ng pahayag ni Marc Pingris kung saan pinabulaanan rin niya ang ugnayan nila ni Kim Rodriguez.

Iginiit din ng aktor na isa siyang family man na may takot sa panginoon.