Kim Heats Up Summer as the Newest Metro Cover Star

Ibinahagi ng Multimedia idol na si Kim Chiu ang kanyang paglalakbay sa malusog na pamumuhay at ang kanyang reaksyon sa positibong pagtanggap sa kanyang hit series na What’s Wrong With Secretary Kim sa pinakabagong digital cover ng Metro.Style.

Ibinunyag ng headliner ng Metro Body 2024 na ang isang malakas na mentalidad ay nakatulong sa kanya na maging motibasyon pagdating sa pag-eehersisyo. “Kasi yung mind mo just nagko-control sa ginagawa mo, e—what you eat, what you do, what you decide, what you can and cannot do. Nakuha ko talaga yung mindset na just sa Physical: 100 sa Netflix… Parang the strongest muscle na mayroon ka sa katawan mo is not your upper body or lower body. It’s really your mind and your willpower,” ani Kim sa kanyang eksklusibong Metro.Style feature.

Hindi na baguhan ang Kapamilya star sa mga tukso sa pagkain. Idinagdag niya na ang pag-eehersisyo ay nagbabalanse sa kanyang likas na pagmamahal sa pagkain. “Foodie talaga ko, kaya nagwo-workout talaga ko, kasi parang hindi ko kayang mag-diet or like mag-calorie count. I eat lahat… pero more on meat lover ako and carbs—so like pansit or rice and then beef, pork. ‘Yun yung mga favorite ko talaga, and bread also. Carbs, carbs. Kaya dapat, cardio workout talaga,” she shared.

Bukod sa kanyang malusog na pamumuhay, ikinuwento rin ni Kim ang kanyang pinakabagong serye na What’s Wrong With Secretary Kim na pinagbibidahan din ni Paulo Avelino.

“I’m very proud sa outcome ng What’s Wrong With Secretary Kim kasi malaking Korean series siya and marami din siyang fans dito sa Philippines. Nakakatuwa kasi ang ganda ng cinematography. Isa ito sa mga proyekto na talagang ipinagmamalaki ko,” she said.

Magbasa pa tungkol sa fitspiration ni Kim sa Metro.Style. Para sa higit pang eksklusibong mga artikulo, sundan ang @metrodotstyle sa Facebook, TwitterInstagram, at TikTok pati na rin ang Metro Magazine @metromagph sa Instagram at Twitter at @Metro.Magazine sa Facebook, o bisitahin ang Metro.Style. #MetroBody2024 #MetroLovesKimChiu