Kim Chiu may mensahe para kay Iris Lee ng Xian Lim?

Nagbigay ng isang emosyunal na pahayag ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa pinakabagong episode ng noontime show na It’s Showtime.

Ipinahayag ni Kim Chiu ang kanyang pagkatalo dahil sa sinabi niyang ‘Ikaw na ang nanalo.’

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng mga pahayag ang aktres na si Kim Chiu patungkol sa napapabalitang hiwalayan nila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.

May mga naglabasan kasing mga balita na umanoy nambabae si Xian Lim. Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon, itinuturong sangkot sa kanilang paghihiwalay ay si Eris Lee.

Samantala, marami na rin ang nakapansin sa mga pagbibiro ni Vice Ganda kay Kim Chiu na hinala ng mga fans ay may kaugnayan sa totoong estado ng relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kadalasan sa mga pagbibiro ni Vice Ganda ay may mga double meaning kaya naman hinala ng mga netizens na natapos na rin ang matagal na relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.

Pero, tila hindi pa handang umamin ni Kim Chiu sa publiko kaya naman nirerespeto ito nina Vice Ganda. Gayunpaman, hindi pa rin maalis kay Vice Ganda ang pagbibiro.

Kamakailan lamang ay ipina-recite ni Vice Ganda kung paano niya sasabihin ang pagpapaubaya kahit siya naman ang nanalo.

Naging emosyunal naman si Kim Chiu sa pagpapahayag.

“Ikaw na ang nanalo, sige ikaw na!”

Kaagad naman itong dinaluhan ni Tiyang Amy at niyakap. Tila alam na alam ng It’s Showtime family ang pinagdadaanan ngayon ni Kim Chiu.

Sa ngayon ay nanatiling tahimik sina Kim Chiu at Xian Lim sa mga isyung ibinabato sa kanilang relasyon, hindi rin naman nila nililinaw kung hanggang ngayon ay sila pa ring dalawa.

Sa kabila nito, may mga naglabasan namang mga komento na hindi hamak na mas maganda naman si Kim Chiu kaysa kay Eris Lee napapabalitang karelasyon ni Xian Lim.

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa mga pinagdadaanan ngayon nina Xian Lim at Kim Chiu.

“Mas maganda ka Kimmy kasya sa Irish na yan. Mas maganda ka, mas mabait, mas mayaman at may mabuting kalooban. Si xian ang talo dahil pinagpalit ka sa pangit na babae. Pangit pala ang type niya hayaan mo na marami ang may gusto sayo naghihintay lang sila”

“Xian makakarma ka….rin at magkakasakit sa babae katatapos lang ng problema mo my babae kana naman na tinatago pangit naman yong babae siguro xian my sakit kano dahil papalit ka ng babae karma ka xian”

“Kim, I know you are not that of girl who rush into another relationship after your break up. It will take 2 or 3 yrs for you to move on. Next time pumili ka ng non-showbiz guy, tulad mo BFF angge & Bela. Laging manalangin sa Diyos”