Kathryn Bernardo Breaks Silence on Daniel Padilla’s Alleged Infidelity

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang biglang pagmumura ni Daniel Padilla habang kumakanta sa harap ng kanyang mga invited guest sa kanyang post birthday celebration sa Tanauan, Batangas noong April 28, 2024.

Marami ang naghinala na may kinalaman sa pagmumurang ito ni Daniel Padilla sa napapabalitang panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo.

Hinala ng maraming netizens na labis na nanghihinayang ngayon si Daniel Padilla sa naging relasyon nila ni Kathryn Bernardo dahil nakikita niyang ibang lalaki ang kapiling ngayon ni Kathryn Bernardo na dati naman siya ang gumagawa.

Matatandaan na magmula noong inamin nila ang kanilang paghihiwalay ay naging bukas na rin sa publiko ang pagkakaibigan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Kasa-kasama na rin ito ng aktres sa mga importanteng okasyon sa kanyang buhay, kabilang na noong birthday celebrations ni Kathryn Bernardo at noong nagpablessing sila sa kanilang multi-million dream house.

Bukod pa rito, naging laman rin ng mga usap-usapan na botong-boto ang mga magulang ni Kathryn Bernardo at mga kapatid kay Alden Richards at welcome na umano ang aktor sa kanilang bahay. Bagay na dati naman ay siya ang may pribilihiyo.

Samantala, marami naman ang nagsasabi na sana ay mag-move on na rin itong si Daniel Padilla dahil makikita namang wala na talaga silang pag-asa pa ni Kathryn Bernardo.

Dapat umano na tanggapin ni Daniel Padilla na hindi talaga sila magkakabalikan pa ni Kathryn Bernardo dahil makikita namang masaya ang aktres sa kalayaang natamo nitong makalipas ang 11 years nilang relasyon na puno ng mga restrictions at pagbabawal.

Samantala, naniniwala naman si Kathryn Bernardo sa isang panayam na ok na ok na siya ngayon at naniniwala siyang naroon na siya sa lugar kung saan siya nararapat.