Kate Valdez laughs off comment about Fumiya Sankai sexuality

Imbes na mainis at magalit, natawa na lang ang Kapuso actress na si Kate Valdez sa hindi matuldukang pagkukuwestiyon ng ilan sa sekswalidad ng nobyo niyang si Fumiya Sankai.

Isang netizen ang napakomento sa isang TikTok video ni Fumiya habang siya ay kumakanta katabi ang girlfriend na si Kate.

Base sa komento ng nasabing netizen, hindi niya akalaing magkakaroon ng nobya ang Japanese vlogger at former PBB (Pinoy Big Brother) housemate na si Fumiya dahil akala niya noon ay ito ay gay.

Agad napukaw ang atensiyon dito ni Fumiya kaya naman gumawa siya ng hiwalay na video para sagutin at klaruhin ang tunay niyang sekswalidad.

Sa isang video sa TikTok nitong Lunes, September 23, 2024, makikita si Fumiya na sinasagot ang nasabing komento ng netizen.

Katabi ni Fumiya si Kate.

Sinimulan ito ni Fumiya sa pagbabasa sa iniwan sa kanyang komento: “Akala ko noong una bading si Fumiya, hindi pala.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kate Valdez on real score with Fumiya Sankai

Photo/s: Courtesy: Instagram

Sa tabi niya, kitang-kita at dinig na dinig naman ang malutong na tawa ni Kate.

Tanong tuloy ni Fumiya, “Why, why are you sobrang laughing?”

Sagot sa kanya ni Kate, “Kasi, when you read the word bading is giving too much stress, [like] bading.”

Noong una ay kapansin-pansing tila hindi alam ni Fumiya kung ano ang ibig sabihin ng salitang “bading” kaya niya ito tinanong kay Kate.

Sabi niya, “What do you mean bading?”

Paglilinaw naman ni Kate, “Bading means gay.”

Nang malaman ang ibig sabihin, hindi na pinatagal pa ni Fumiya na linawin ang pagdududa ng iba sa kanyang sekswalidad.

Sabi niya, “Ah so they thought like [I’m bading] Okay…hi, thank you so much for comment pero I’m not bading now, before din.

“That’s why don’t worry, I’m nobody like that. Im straight, very straight, lalaki!”

@fumi.japan Replying to @Lanie thank you for commenting ???? @Kate Valdez ? original sound – FuMi

Fumiya denies he’s gay

Hindi ito ang unang beses na itanggi ni Fumiya ang alegasyong gay siya.

Noong January 2023, nagsimulang kuwestiyunin ang sekswalidad ni Fumiya nang bigyang malisya ang pagsasayaw niya noon sa TikTok kasama ang isang non-showbiz guy, na ayon sa netizens ay boyfriend niya.

Sa video, mapapanood si Fumiya na todo-sayaw sa saliw na TikTok dance craze na “Last Christmas” ng Wham, habang nasa likod naman niya ang isa pang lalaki.

Pinusuan at ni-like ito ng maraming TikTok users ngunit hindi ito nakatakas sa mata ng mapanuring netizens.

Sa comments section ng TikTok post ni Fumiya noong January 9, 2023, maraming netizens ang naintriga at nagtanong kung boyfriend ba niya ang lalaking kasama sa video.

Tanong ng netizen, “Is that your boyfriend?”

Komento pa ng isa pa, “Finally nireveal mo na jowa mo.”

Sabi ng isa, “Congrats Fumiya with your boyfriend.”

Hirit pa ng isa, “Bagay kayo [heart emoji] I’m so proud Fumiya, stay in love.”

Mabilis itong nag-viral hanggang sa makarating kay Fumiya.

Sa isang hiwalay na video noong January 10, 2023, nilinaw niya ang alegasyong ipinupukol sa kanya.

Ayon sa ex-PBB housemate, maging siya ay nagulat sa biglaang pag-viral ng kanyang video.

Sabi niya, “Akala ko my dance is very nice that’s why it’s trending.”

Diin ni Fumiya: “I respect LGBT. Very respect. Pero I’m very, very straight.

“We are really straight.”