Kasabay ng pagdepensa sa pagiging lehitimo ng operasyon ng pulisya sa paghahalug

Kasabay ng pagdepensa sa pagiging lehitimo ng operasyon ng pulisya sa paghahalughog sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City para arestuhin ang ilang buwan nang wanted na si Apollo Quiboloy, nakiusap ang dalawang opisyal ng Kamara kay dating pangulong Rodrigo Duterte na hayaan ang mga tagapagpatupad ng batas na gawin ang trabaho nila, na base sa utos ng korte.

Si Quiboloy—na wanted din ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika sa sex trafficking of children, fraud, coercion, bulk cash smuggling, at money laundering—at ilan niyang kasamahan sa KOJC ay nahaharap sa mga kaso ng child abuse at human trafficking.

Matatandaang tinuligsa ng dating pangulo ang police operation sa KOJC compound at nagpahayag ng pagdamay sa mga kasapi ng grupo na biktima umano ng political harassment, karahasan, at pag-abuso sa kapangyarihan.

“The PNP acted in accordance with a lawful court directive. To suggest otherwise is not only misleading but also harmful to our democratic institutions. We cannot afford to erode the public’s trust in our legal processes,” depensa naman ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa mga pulis.

Giit naman ni Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, wala dapat pinapaboran ang batas.

“Pastor Quiboloy is a fugitive facing serious charges, and the PNP was simply fulfilling its duty to enforce the law,” sabi ni Acidre. “Law enforcement must be impartial and free from political influence. By questioning the PNP’s actions in this case, you are risking the politicization of our police force, which could lead to a breakdown in the rule of law.”

#PilipinasToday
#RodrigoDuterte
#DongGonzales
#DuterteFamily