Karylle Answered the Issues in Family Feud Guesting

Magdadala ng saya sa isang upcoming episode ng Kapuso gameshow na Family Feud Philippines ang mga It’s Showtime hosts.

Ang guesting ng mga It’s Showtime hosts sa Family Feud ay bahagi ng promotion nila sa kanilang show sa kanilang paglipat sa main channel ng Kapuso Network.

Natapos na ng mga It’s Showtime hosts ang kanilang taping para sa kanilang paglalaro sa Family Feud na nakatakdang ipalabas sa darating na April 8, 2024.

Nahati sa dalawang team ang It’s Showtime hosts, ang Team Vice at Team Anne.

Kasama ni Vice Ganda sa kanyang team sina Jhong Hilario, Amy Perez, at Jugs Jugueta habang kasama naman ni Anne Curtis sa kanyang team sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Teddy Corpuz.

Ipinalabas na rin sa official Facebook page ang teaser ng inaabangang paglalaro ng It’s Showtime sa kanilang game show.

Sa kabilang banda, hindi naman naiwasan ng ilang mga netizens na hanapin si Karylle sa line up ng mga manlalaro. Marami ang napapatanong kung bakit hindi sumali si Karylle.

Naglabasan na rin ang mga hinalang iniiwasan ni Karylle ang kanyang dating karelasyon na si Dingdong Dantes dahil noong nag-guest sina Marian Rivera at Dingdong Dantes noon sa Showtime para ipromote ang kanilang pelikula ay umabsent rin si Karylle.

Samantala, tila sinagot na rin ng aktres ang mga katanungan ng mga netizens hinggil sa pag-iwas niya kay Dingdong Dantes.

Ayon kay Karylle maayos naman sila ngayon ni Dingdong at Marian ubalit hindi naman niya alam kung magiging maayos din ang sitwasyon kapag nagkatagpo na sila lalo na’t mga kalog ang kanyang mga kasamahan.