Kapamilya Updates:

Nagpa-alam na ang beteranong broadcaster na si Henry Omaga-Diaz sa TV Patrol.

Aniya mami-miss niya ang kanyang ABSCBN family.

Sabi ni Henry:

“Mami-miss ko kayong lahat. Si Kabayan (Noli de Castro) ho, sa make-up room, wala kaming ginawa kung ‘di mag-marites at hindi lang ‘yan ah, nae-extend pa kahit weekend. Nagka-kape kami ni Kabayan, nagdi-dinner, nagma-marites,”

Si Karen (Davila) mahilig ng advice. Karen, nami-miss ka namin noon kapag uma-absent ka, nami-miss ka namin ni Kabayan. Ang hirap bigyan ng advice kasi ang gagaling na eh. Hindi na kailangang bigyan ng advice, ang kailangan ‘yung memory”

Grabe po ang naging suporta ng ating mga kasamahan sa newsroom, hanggang sa pag-edit ng script, sa video, kahit na nung nagpa-Patrol na ako, ‘yung kanilang mga mensahe, ‘yung pinapakita nilang pagmamahal.’Yun ang pinakamagandang feeling eh, ‘yung mga colleagues, nakikita mo mismo ‘yung pagmamahal sa kanila,”