“Kailan ba kayo nakakita ng Speaker na bumisita sa lalawigan ng Batangas, ‘di ho
“Kailan ba kayo nakakita ng Speaker na bumisita sa lalawigan ng Batangas, ‘di ho ba? Nagbigay ng panahon. Ang taong ito, sabi ko nga kanina, haligi ng BBM (Bongbong Marcos) administration. Secret weapon ng ating Pangulo,” pakilala ni Finance Secretary Ralph Recto kay House Speaker Martin Romualdez sa harap ng libu-libong Batangueñong nagtipun-tipon para sa ika-22 Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).
“Nandito naman ang liderato ng Kongreso, ang partner ng Pangulo, first cousin ng Pangulo, taga-isip ng programang tulad nito. Siya ang dahilan kung bakit tayo merong Bagong Pilipinas Serbisyo Fair,” dagdag pa ni Recto.
Isang taon nang naglilibot sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang BPSF upang maghatid ng iba’t ibang serbisyo ng gobyerno, kabilang ang trabaho, healthcare, scholarship, farm equipment, at tulong pinansiyal sa mga nasa lalawigan.
Sa BPSF sa Lipa City, Batangas, may kabuuang P563 milyon halaga ng serbisyo at ayuda ang ipinamahagi ng gobyerno, sa pangunguna ni Speaker Romualdez, sa mahigit 60,000 Batangueño.
Hiwalay sa BPSF, may tatlo pang programa—pawang brainchild din ni Speaker Romualdez—ang inilulunsad sa mga probinsiyang dinadayo ng Serbisyo Fair: ang Cash and Rice Distribution (CARD) para sa libreng bigas at cash aid; Start-Up, Investment, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL) para pandagdag-puhunan ng maliliit na negosyante; at Integrated Scholarship and Incentives Program (ISIP) para siguruhing makakatapos ng kolehiyo ang mga estudyante.
Sa Lipa City, may 9,000 residente ang naging benepisyaryo ng CARD, SIBOL, at ISIP programs ng House Speaker.
#PilipinasToday
#MartinRomualdez
#Duterte
#WannaFactPH