JUST IN: Pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI), Presidential An
JUST IN: Pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang paghahain ng reklamong money laundering pasado alas-2 ng hapon ngayong Biyernes, Agosto 30, laban sa sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo kasama ang 34 na iba pa na inuugnay sa illegal Philippine offshore gaming operations (POGO) sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila.
Bitbit ng mga awtoridad ang 10 kahon ng dokumento na magdidiin diumano sa grupo ni Guo sa illegal money laundering activities.
#PilipinasToday
#WannaFactPH