JUST IN: Na-cite in contempt ng Quad Comm ng Kamara si Col. Gerardo Padilla, ang

JUST IN: Na-cite in contempt ng Quad Comm ng Kamara si Col. Gerardo Padilla, ang itinuturo ng tatlong person deprived of liberty (PDLs) na nag-utos umano sa kanila na patayin ang tatlong Chinese drug lords sa loob ng bilangguan sa Davao noong 2016, sa atas umano ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Pinuna ng Quad Comm members ang anila’y hindi pagsasabi ng totoo ni Padilla, na ang mga pahayag ay taliwas sa pinaninindigang salaysay ng tatlong PDLs.

Madedetine si Padilla sa Bicutan, Taguig City sa loob ng 30 araw, base sa napagkasunduan ng Quad Comm ngayong Miyerkules ng hapon, Agosto 28.

#PilipinasToday
#HouseOfRepresentativesPH
#Duterte
#WannaFactPH