Julie Anne San Jose lone female coach in The Voice Kids

Parang magkakapatid lamang ang turingan nina Julie Anne San Jose at ng tatlong lalaking vocal coaches ng The Voice Kids.

Kasama ni Julie Anne na huhubog sa talento ng mga batang aspring singers sina John Paulo Nase o Pablo at Stell Ajero ng SB19, at si Billy Crawford.

Si Dingdong Dantes pa rin ang host ng show.

Pahayag ni Julie Anne sa media noong nakaraang linggo, “Para ko na kasing brothers tong mga to, e.

“And ako kasi, personally talaga, growing up, parang one of the boys din ako kaya parang hindi nalalayo yung vibe ko whenever with guys.

“So, pag nakasama ko silang lahat, parang kumportable talaga ako saka ano, alam ko na, kahit na this is still a competition and may mga bardagulan moments kami, parang it’s just a normal sibling relationship between them.”

Ano naman yung mga hinahanap niyang katangian sa mga batang mag-o-audtion para sa kanyang team?

Julie Anne San Jose at The Voice Kids presscon

Ayon kay Julie Anne, “Well, actually I’ve been saying this all the time.

“Pero yung hinahanap ko kasi usually yung someone who’s versatile, can do a lot of things.

“Someone na puwede mong turuan ng kahit anong bagay at puwede mong kasama sa pag-explore ng mga bagay-bagay.

“And ako, this time siguro, yung hinahanap ko yung talaga, kasi pag bata, di ba, charming sila?

“Siguro yung hinahanap ko talaga, yung may connection, hindi lang sa akin pero sa mga mananood.”

JULIE ANNE SAN JOSE’s singing journey

Bata pa lang ay nagsimula na si Julie Anne na ipamalas ang kanyang galing sa pagkanta sa mga singing contest.

Pagbabalik-tanaw niya: “Galing po ako ng competition. Sumali po ako ng Popstar Kids nung, I think I was 11 or 13 po nun.

“It wasn’t easy at that time kasi medyo iba po yung panahon before, e. Talagang pagka-nag-auditions ka, like, kailangan kong pupunta physically doon mismo doon sa audition site.

“And before, sa isang variety show, this was SOP pa back then. And then, parang naalala ko, parang may satellite area sila doon sa isang mall.

“Tapos nagkataon nandun po kami, nandun kami ng family ko, like ako, si Mama, yung isa kong kapatid.

“Tapos naalala ko, sabi ko, ‘Parang ano, may auditions ata doon sa ano?’ Tapos, ‘Sige, Ma, try ko nga,’ ganyan, ganyan.

“And then, hindi ko rin naman talagang in-expect kasi wala kaming dalang anything, wala kaming dalang requirements, like ID, ID picture, something like that.

“Tapos, ‘Sige, okay na yan.’ Tapos pinapasok kami ng isang mga talent coordinator doon kasi parang isa naman ako doon sa mga nauna.

“And then, hindi ko din in-expect kasi napasok ako ng screening hanggang sa nagtuluy-tuloy na siya.

“Tapos every now and then, nagkakasakit ako pala, hindi ko alam kung bakit.

“Siguro, like, uhm, nai-stress ako, like hindi ko alam kung ano ba yung emosyon.

“Kailangan kong, ang dami kong iniisip as a kid.”

Pero nagpursigi raw siya talaga kasama ang kanyang mga magulang para marating ang kung ano man ang estado niya ngayon.

May mga panahon pa raw noon na tinatanong niya ang Diyos kung may patutunguhan ang kanyang career. Pero wala raw siyang karapatang sumuko.

Ani Julie Anne, “Tapos, sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi, kasi binigyan ako ni Lord na ganitong klaseng opportunity.

“Binigyan ako ni Lord na ganitong klaseng talento so I’m going to use it.

“Kasi ginamit niya akong instrumento, e, para makapagpasaya ng mga tao and makapag-inspire ng mga tao, especially ng mga kabataan.

“So, yun yung parang naging feeling ko ito yung purpose ko.

“It’s really to, you know, to inspire them through my craft.

“And I’m happy because I’m still doing it. And I’m still here.”

Magsisimula ang The Voice Kids sa GMA-7 sa September 15, 2024, 7:05 P.M.