Judy Ann Santos was first choice in horror film Feng Shui?

Kasalukuyang gumigiling na ang kamera para sa shooting ng pelikulang Espantaho kung saan bida si Judy Ann Santos.

First time ng mahusay na aktres na makatrabaho ang beteranong direktor na si Chito Roño.

Masayang bulalas ni Judy Ann ukol dito, “Nakaka-excite siyempre kasi ang tagal kong hinintay ito, e.

“Ahhh, nakakakaba din kasi ang tagal ko nang hindi gumagawa ng horror.

“Mostly drama or action-drama or like with Starla na medyo light.”

judy ann santos espantaho

The last time na nagbida siya sa isang horror film was 2014 sa T’yanak, na reboot ng 1988 classic na Tiyanak.

Early this year siya tinawagan about the project.

“So when direk Chito called me, mga ano ito, January, February, unang tanong niya pa lang na, ‘Gawa tayo ng horror, may script ako,’ ‘Sure!’

“Yung wala pang ano, walang, hindi… wala pang casting, wala pang lahat, sabi niya, ‘Okay ka?’

“‘Oo naman! Ikaw pa ba? Ituloy na natin ito.’ Kasi nga, hindi kami natuloy sa Feng Shui.”

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na unang inalok kay Judy Ann ang 2004 blockbuster horror film na Feng Shui, pero tinanggihan ito ng manager ni Juday, ang namayapang si Alfie Lorenzo, at napunta ang role kay Kris Aquino.

JUDY ANN SANTOS on what makes her say yes to a project

Pagpapatuloy ni Judy Ann, “Sabi niya, ‘Oo kasi may pangako ako, e!’

“Doon ako siyempre talagang… iyon yung nag-ano sa akin, hindi nag-trigger to say yes kasi um-oo na ako bago pa siya natuloy.

“Doon ako talagang, doon ko na-realize na napakalalim nung naging pagiging magkaibigan namin ni Direk Chito para balikan niya ako.

“Kasi hindi na nga ako nag-expect, e, kasi parang feeling ko ang dami na ring nangyari, alam mo yun?

“Iyong kung ano yung bigay ni Lord na blessing sa akin hanggang ngayon.

“Basta makaramdam ako ng gut… wala pa akong script na nababasa, sa Feng Shui kasi, nung nabasa ko yung script, saka ako um-oo.

“Dito hindi ko pa nababasa yung script, wala pa, um-oo na ako sa kanya, regardless what… but sinabi naman niya sa akin yung buod, pero yung trust ko kasi kay Direk Chito, iba, e.

“May ganun, di ba? May ganun ka, e, yung basta may tiwala ka sa craftsmanship ng kahit na sino na professional na direktor, artista, writer, kahit ano iyan, hindi mo na tatanungin.

“Kasi nga nandun yung trust and nandun iyong malaking factor ng pagkakaibigan.”

Sa tagal na rin ni Juday sa showbiz, nasa stage siya kung saan pinipili na lamang niya ang mga projects na gagawin, lalo pa’t priority niya ang pamilya.

Aniya, “Probabaly, na-earn ko na rin naman yung moment na yun na pumili ng projects

“And at the same time yung, hindi ka naman nagdi-diva, pero andun kasi ako sa point na, itong proyektong ito dapat medyo worth it yung wala ako sa bahay madalas.

“Kasi hangga’t maaari nga, I want to be with my family.

“Kumbaga nararanasan ko na yung blessing na iyon ni Lord na parang, ‘O, sige anak, sa panahong ito medyo puwede ka nang mag-relax at tumanggap na ng kung ano yung kaya at gusto mo, sa paraan na gusto mo, at kung kailan mo gusto.’

“And I’m very fortunate na every time a producer would ask for my services, nilalatag ko talaga lahat umpisa pa lang kasi ayoko namang maging unfair.

“So first shooting day, alam na ni direk Chito yun, alam niya na yung mga nilatag kong mga ganap, kung sakaling may ganap sa school at, ‘Kailangan ko pong magpalit ng ibang araw.’

“Yung mga ganun, little details na para sa ibang tao siguro parang ang OA naman na kailangan pang ipaalam.

“Pero siyempre, pag nagbigay ka na ng kalendaryo mo, dapat naka-lock na yun, e.”

Hands-on bilang ina si Judy Ann at nakatutok sa lahat ng ganap ng kanilang tatlong anak ni Ryan Agoncillo na sina Yohan, Lucho, at Luna.

“Kaya simula pa lang, nilalatag ko na. And I am very grateful na naintindihan naman iyon ni Atty. Joji at ni direk Chito.”

Ang producer na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films ang tinutukoy ni Juday.

JUDY ANN SANTOS OVERWHELMED ON FIRST SHOOTING DAY

Nag-sink in ang lahat lay Juday sa unang araw ng shooting nila ni Direk Chito para sa Espantaho.

“Nung una kaming nagkita, parang hindi pa rin ako makapaniwala na, ‘Okay, totoo na ito, nangyayari na ito.’

“Siyempre, sa bawat first shooting day naman, puro light scenes pa lang, nandun pa yung warming up with the cast.”

Kasama ni Juday sa Espantaho ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino at ang mga beteranang aktres na sina Chanda Romero at Janice de Belen.

Nasa cast rin ng nabanggit na pelikula sina JC Santos, Donna Cariaga, at Nico Antonio.

“So nung nakita ko na yung buong cast, magkakasama na kami, na-o-overwhelm na ako!

“Yung na-e-excite na ako, nakikita ko na, nakikita ko na yung eksena, hindi pa namin sinu-shoot, nakikita ko na kung ano’ng mangyayari.

“Na ang likot din ng utak ni Direk Chito dito sa pelikulang ito. Yung magugulat ka biglang iba na yung gagawin mo sa nabasa mo sa script.

“So it’s more of parang impromptu? Not the acting but yung storyline niya.”

At the same time, “ine-enjoy ko,” lahad ni Judy Ann Santos.

“In-enjoy ko yung, siyempre, nandun yung, paano ko ba… pinag-usapan namin siyempre yung character, pinag-usapan namin yung mga nuances.

“Kasi siyempre bilang artista gusto mo iba-iba din naman yung inihahatag mong proyekto sa mga viewers, hindi ba?

“Parang biglang may gulatan kaya nakakaaliw din, nakaka-excite kung ano yung magiging end product namin,” ang nakangiting sinabi pa ni Judy Ann.

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa shooting ng naturang horror film sa Mexico sa Pampanga nitong Sabado, September 7, 2024.