Judy Ann Santos vows to help and support local farmers

Walang mapagsidlan ang saya at pasasalamat ng aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo na mapasama sa kampanya ng Coco Mama, isa sa mga nangungunang lokal na brand ng gata, na magbigay suporta sa local farmers sa industriya ng niyog.

Ito’y sa pamamagitan ng paglulunsad nila ng proyektong Save Our Coconuts, sa mismong araw ng selebrasyon ng World Coconut Day noong September 2, 2024.

Sa pangunguna ng Coco Mama ambassador na si Judy Ann, kasama ang mga opisyal ng Century Pacific Agricultural Ventures Inc., mga kinatawan ng Philippine Coconut Authority, City Environment and Natural Resources Office, mga magsasaka, at volunteers, isinagawa ang malawakang tree-planting activity sa General Santos City, South Cotabato.

Judy Ann Santos vows to help and support local farmers
(L-R) Coco Mama marketing director Bryan Lingan, Judy Ann Santos-Agoncillo, and Century Pacific Agricultural Ventures Inc. vice-president and general manager of Noel Tempongko Jr.

Photo/s: KHRYZZTINE JOY BAYLON

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Isandaang libong dekalidad na punla ng niyog ang target ng Coco Mama na maipamahagi sa loob ng limang taon para mapalitan ang mga matatanda nang puno na inaasahang makatutulong sa pinansiyal na pangangailangan ng local coconut farmers.

Layunin din ng proyekto na makatulong sa malawakang programa ng pamahalaan na mapanatiling buhay ang industriya ng niyog o kung tawagin ay “tree of life” sa bansa.

Ayon sa Philippine Coconut Authority, dalawampu’t porsiyento ng mga puno ng niyog sa Pilipinas ay matatanda na at hindi na masaganang mamumunga kaya’t kinakailangan na itong pagpapalitan.

Lalo pa’t ang Pilipinas ang nangungunang bansa na nakapag-aani ng maraming niyog sa buong mundo sa loob ng mahabang panahon.

Judy Ann honored and thankful to be part of the campaign

Bago magsimula ang tree-planting activity sa GenSan, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Judy Ann.

Tinanong ng PEP kung ano ang pakiramdam ng aktres na mapabilang sa ganitong klaseng aktibidad.

Aminado si Judy Ann na malayung-malayo ito sa kung paano siya nakikita ng iba sa telebisyon.

Aniya: “Alam niyo, yung mga ganitong campaigns talaga ang malapit sa akin.

“This is something, on my own way, to not just give back but to support our farmers na nawawalan na ng lakas ng loob to work kasi marami na tayong ini-imports dito and everything else, marami na.

“So I want to let our farmers feel and know na they are very much appreciated. All their efforts are appreciated.”

Judy Ann Santos vows to help and support local farmers

Photo/s: KHRYZZTINE JOY BAYLON

Nang ipaalam kay Judy Ann na mayroong mangyayaring tree planting, hindi raw siya nagdalawang-isip na umoo at sumama.

Pahayag niya: “That’s why when Coco Mama asked me if I would like me to be part of this tree-planting project, hindi kailangan na matagal na sagot. We just had to work around my schedules.

“Ito talaga kasi yung mga bagay na gusto ko talagang napupuntahan in person, because I want to experience everything, I want to see it.

“And at the same time, it is something na ang sarap ikuwento sa mga anak namin, na at some point ito yung values na gusto kong ituro sa mga bata.

“Hindi lang sa mga anak ko, kundi maging sa younger generation na, you know, giving back it’s not just giving money. It’s about helping our farmers, let them know na they are appreciated.

“Hindi lang siguro nila masyadong nararamdaman, kaya mas iparamdam pa natin para ganahan pa ang lahat na magtanim.”

@pepalerts Coco Mama held a tree planting activity in Brgy. Bawing General Santos City with its brand ambassador Judy Ann Santos-Agoncillo. #CocoMama #SaveOurCoconutsProject #SaveOurCoconutsProjectLaunch #NewsPH #PEPNews #EntertainmentNewsPH ? original sound – PEP.ph

JUDY ANN ENCOURAGES younger generation to save and protect the environment

Alam daw ni Judy Ann na marami, partikular na ang mga kabataan, ang nakakalimot na sa benepisyo ng pagtatanim ng puno sa kapaligiran.

Judy Ann Santos vows to help and support local farmers

Photo/s: KHRYZZTINE JOY BAYLON

Kaya naman pangako ng aktres, hangga’t kaya ay gagawin daw niya ang lahat para himukin ang mga itong makialam at makiisa sa mga aktibidad na makatutulong sa pagsalba at pagprotekta sa kalikasan.

Saad ni Judy Ann: “Hindi lang ito just for coconut trees, it’s for mother earth. It filters the air and oxygen.

“Coconut tree is such a giving tree… with all the benefits we can get from it, hindi lang naman tayo [consumer] yung magbe-benefit dito, kundi iyong mga farmers din natin, pamilya nila, mga anak, apo, and all.

“So it is very important project that it’s so close to my heart talaga.

“And I want to keep doing this kind of project para malaman ng kabataan na ang buhay ay hindi natatapos sa pagsisimula ng umaga na nasa social media ka na agad.”

Dagdag pa niya, “You know, let’s teach our children to plant. Let’s teach everyone of them to love mother nature because it will love us back.”

Read more: