
Jovie Albao, nagluluksa sa pagpanaw ni Freddie Aguilar: “Hanggang sa muli, bhabe”
– Pumanaw ang batikang folk singer na si Freddie Aguilar sa edad na 72 nitong Mayo 27, 2025
– Kinumpirma ang balita ng Manila Standard sa panayam kay Atty. George Briones ng Partido Federal ng Pilipinas
– Nagpaabot ng madamdaming mensahe ang kanyang asawa na si Jovie Albao bilang pamamaalam
– Isa si Freddie sa pinakamahahalagang pigura sa OPM at makabayang musika sa bansa
Nagluksa ang buong bansa sa pagpanaw ng OPM icon at makabayang alagad ng musika na si Freddie Aguilar, na binawian ng buhay sa edad na 72 sa Philippine Heart Center ng madaling-araw ng Mayo 27, 2025, bandang 1:30 a.m. Kinumpirma ito ng Manila Standard sa panayam kay Atty. George Briones, general counsel ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), kung saan nagsilbi si Aguilar bilang national executive vice president.

Source: Facebook
Hindi maikakaila na si Freddie Aguilar ay isa sa pinakamahahalagang pangalan sa kasaysayan ng Original Pilipino Music (OPM). Isa sa kanyang pinakatanyag na awitin ay ang “Anak,” na umani ng internasyonal na pagkilala at nakapagtala ng 33 milyong kopya na nabenta sa buong mundo. Bukod dito, ang kanyang makabayang bersyon ng “Bayan Ko” ay nagsilbing himig ng pag-asa at pagkakaisa ng sambayanan, lalo na noong panahon ng People Power Revolution.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bilang suporta sa kanyang mahal sa buhay, ang asawang si Jovie Gatdula Albao ay nagbahagi ng taos-pusong mensahe sa social media. “I will live a good life so I can meet you in Jannah… This is not goodbye, just farewell for now. Mahal na mahal kita, hanggang sa muli bhabe. It was a good fight, because we are fighting together,” ayon kay Jovie. Sa dami ng emosyon at sakit na kanyang nararanasan, pinili pa rin niyang maging matatag, tanda ng tunay na pagmamahal at dedikasyon.
Bago pumanaw si Freddie, patuloy ang pagbabahagi ni Jovie ng updates ukol sa kondisyon ng kanyang asawa. Sa isa niyang Facebook post, ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa mga taong kumukumusta, sabay pahayag ng limitadong impormasyon dahil sa pagrespeto sa privacy ng pamilya. “Ang priority natin ngayon ay ang kalagayan ni Freddie… he’s in good hands and he’s getting all the medications he needs… Mag pray lang po tayo,” dagdag pa ni Jovie.
Si Freddie Aguilar ay hindi lamang kilala bilang musikero kundi isa ring aktibong personalidad sa larangan ng kultura at sining ng Pilipinas. Siya ay naitalaga bilang Presidential Adviser on Culture and the Arts ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at naging miyembro ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Sa loob ng kanyang mahigit apat na dekadang karera, naging boses siya ng masa at ng mga isyung panlipunan.
Sa kabila ng mga matagal na sigalot sa kanilang pamilya, muling nagkasama si Maegan Aguilar at ang kanyang mga magulang, kabilang na si Freddie Aguilar. Sa isang post, ibinahagi ni Maegan ang saya ng kanilang muling pagkikita at ang panibagong simula ng kanilang relasyon. Ito ay nagbigay ng pag-asa sa maraming netizen na naniniwalang hindi kailanman huli ang pagpapatawad.
Hindi pinalampas ni Jovie Albao ang isang netizen na nagbigay ng malisyosong komento sa kanya sa gitna ng pag-aalaga niya kay Freddie. Sa isang maayos ngunit matapang na sagot, ipinaalala ni Jovie na hindi lahat ay dapat husgahan batay lamang sa nakikita online. Ipinakita rin nito ang kanyang determinasyon at pagmamahal sa kanyang asawa sa kabila ng mga pagsubok.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Source: Jovie Albao, nagluluksa sa pagpanaw ni Freddie Aguilar: “Hanggang sa muli, bhabe”