Journey’s Jonathan Cain shows support for co-member Arnel Pineda
Nagpaabot ng suporta ang Journey keyboardist na si Jonathan Cain sa kabanda niyang si Arnel Pineda, na kasalukuyang humaharap sa kaliwa’t kanang kritisismo online.
Ito’y matapos hindi magustuhan ng ilan sa kanilang fans ang naging pagkanta ng Journey lead vocalist sa isang performance nila sa Brazil.
Noong September 21, 2024, nag-perform ang American rock superband na Journey sa Rock in Rio Music Festival na ginanap sa Rio de Janeiro, Brazil.
Pinerform nang live ng banda ang mga sikat nilang awitin, kabilang na ang 1981 hit track nilang “Don’t Stop Believing,” sa pangunguna ng Pinoy lead vocalist na si Arnel.
Isang Facebook page mula sa Brazil ang nag-upload sa social media ng video clip ng Pinoy singer habang ito’y kumakanta ng sikat nilang awitin.
Ngunit kapansin-pansin dito ang hirap na pag-abot ni Arnel sa mga high note ng kanta, na ikinadismaya ng ilan nilang tagahanga.
ARNEL PINEDA APOLOGIZES FOR lackluster PERFORMANCE
Nang makarating ito kay Arnel, agad siyang nag-post sa social media para humingi ng paumanhin sa mga nadismayang fans.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Linggo, September 22, sinabi ni Arnel na katulad ng iba ay dismayado rin siya sa naging performance niya lalo na sa gawi ng kanyang pagkanta.
Mahihinuhang nababasa ni Arnel ang mga negatibong komento na ipinupukol sa kanya kaya labis siyang naapektuhan.
Kaya naman umabot na siya sa puntong kailangan na niyang humingi ng payo at suhestiyon kung nararapat pa ba niyang ipagpatuloy ang pagiging lead vocalist ng Journey o kung kailangan na niyang umalis dito.
Mababasang caption sa kanyang post (published as is), “once again,thank u so much everyone who came to @journeyofficial show since #february this year ..i appreciate uou all do kuch..anf not only that,everytime that im on stage w/ the band, i feel this immense gratitude,humility and honor..i am very aware of this-“
Sa baba nito ang video link ng kanyang viral performance.
Pagpapatuloy pa niya (published as is): “no one more than me in this world feels so devastated about this…its really amazing how 1 thousand right things you have done will be forgotten just cause of THIS..and of all the place, its in Rock In Rio…
“mentally and emotionally, ive suffered already,and im still sufferring..but i’ll be ok..
“so here’s the deal here now..i am offering you a chance now (especially those who’s hated me and never liked me from the very beginning) to simply text GO or STAY right here..
“and if GO reaches 1million…im stepping out for good..are you game folks? let’s start…
“God bless all of you and thank you once again to all of the fans and friends who believed in me dince Day 1.”
Jonathan Cain defends Arnel Pineda
Bagamat patuloy ang natatanggap na batikos online, hindi naman nawawala ang pagbuhos ng suporta kay Arnel ng ilan sa malalapit niyang kaibigan at tagahanga.
Isa sa nagpahayag ng suporta sa singer ay ang kabanda niyang si Jonathan.
Sa Instagram nitong Martes, September 24, 2024, nag-post si Jonathan ng larawan niya kasama si Arnel, kalakip ang mensahe ng pasasalamat at pang-eengganyo niya sa kanilang lead vocalist na huwag lisanin ang kanilang grupo.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), “Arnel @arnelpineda2007, 16 years and STRONG! You’re not going anywhere! Love you and grateful for you #journey #arnel #singer #voice #grateful #musician #music #fans #jonathancain #piano #keys #musicman“
OTHER MUSICIAN SHOWS SUPPORT FOR ARNEL
Bukod kay Jonathan, nagpakita rin ng suporta kay Arnel si Tony Harnell ng Norwegian hard rock band na TNT.
Nagkomento si Tony sa mismong Facebook page na nag-upload ng video ng performance ni Arnel.
Dito idiin ni Tony na tanging paninira kay Arnel ang nakikita niyang pakay ng nasabing Facebook post.
Saad nito sa comments section (published as is), “First of all, shame on “behind the songs” for this negative post. “s a professional singer for over 4 decades I can attest that every singer that performs regularly or tours has bad nights.
“I don’t see the point of this post other than to incite negativity toward Arnel. The guy has done a great job.
“I’d like to challenge anyone out there to have a perfect night every night doing Steve Perry songs. Let the guy do his thing!”
Ang “Steve Perry” na tinutukoy ni Tony ay ang dating frontman ng Journey na siyang pinalitan ni Arnel noong 2008.