Jojo Nones, nag-sorry kay Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pagsagut-sagot nito sa Senate hearing

– Humingi ng paumanhin si Jojo Nones kay Sen. Jinggoy Estrada matapos siyang sumagot-sagot sa Senate hearing

– Na-bad trip si Sen. Jinggoy kay Nones dahil sa patuloy nitong pagtanggi sa mga tanong kaugnay sa kaso ni Sandro Muhlach

– Inamin ni Nones na inatake siya ng anxiety at stress habang nagaganap ang pagdinig

– Nagpadala si Nones ng liham ng paghingi ng paumanhin sa opisina ni Sen. Robin Padilla, chairman ng Committee on Public Information and Mass Media

Nagpaabot ng paghingi ng paumanhin ang independent contractor ng GMA 7 na si Jojo Nones kay Senador Jinggoy Estrada matapos siyang sumagot-sagot sa naganap na Senate hearing kahapon. Nalaman na muling na-bad trip si Sen. Jinggoy kay Nones dahil sa patuloy nitong pagtanggi sa mga tanong kaugnay sa umano’y panghahalay niya at ni Richard Cruz kay Sandro Muhlach.

Jojo Nones, nag-sorry kay Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pagsagut-sagot nito sa Senate hearing
Jojo Nones, nag-sorry kay Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pagsagut-sagot nito sa Senate hearing (News5Everywhere | YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Nones, siya ay inatake ng matinding anxiety at stress habang isinasagawa ang pagdinig na pinangunahan nina Sen. Jinggoy at Sen. Robin Padilla, dahilan upang maapektuhan ang kanyang “judgment” at maging mapusok sa kanyang mga sagot.

Read also

Police Col. Espenido, sinabing 20K ang reward sa bawat mapapatay sa war on drṳgs

Sa isang liham na ipinadala ni Nones sa opisina ni Sen. Robin Padilla, ang chairman ng Committee on Public Information and Mass Media, humingi siya ng paumanhin sa kanyang inasal, lalo na sa pagsagot-sagot kay Sen. Jinggoy.

Narito ang bahagi ng liham ni Nones:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

“I am writing to sincerely apologize for my conduct during the Senate hearing earlier today. I recognize that my words and tone may have come across as disrespectful, and I deeply regret allowing my emotions to get the best of me.”

Dagdag pa ni Nones, hiling niya na sana ay maunawaan ng mga senador ang kanyang kalagayan at ang epekto ng stress sa kanyang mga kilos sa gitna ng pagdinig.

Nagbigay naman ng pahayag si Sen. Jinggoy.

Si Jinggoy Estrada ay isang kilalang pulitiko at aktor sa Pilipinas. Anak siya ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Joseph “Erap” Estrada. Bago pumasok sa Senado, nagsilbi siya bilang alkalde ng San Juan City mula 1992 hanggang 2001, kung saan nakilala siya sa iba’t ibang proyekto at inisyatiba para sa lungsod.

Read also

Rufa Mae Quinto, mas piniling ma-out sa ‘LOL:’ “The game got really dirty”

Binatikos si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pagiging “mahigpit” kay Sandro Muhlach at Gerald Santos sa isang kamakailang pagdinig sa Senado. Hinarap ng senador ang isyung ito sa Kapihan sa Senado. Binigyang-diin niya na hindi niya intensyon na “sisihin o ipahiya ang mga lumapit” para magbahagi ng kanilang karanasan. Ipinaliwanag din ni Estrada na ang kanyang “masigasig na pamamaraan” ay nagmula sa matinding pagkabigo dahil ang mga problemang ito ay patuloy na nararanasan sa loob ng maraming taon

Naging tampok sa isang pagdinig sa Senado ang tanong ni Senator Jinggoy Estrada tungkol sa kung paano nalaman ng showbiz columnist na si Ogie Diaz ang tungkol sa insidente ng umano’y pang-aabuso sa anak ni Niño Muhlach, si Sandro Muhlach, na kinasasangkutan ng dalawang independent contractors mula sa GMA Network.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!