Joey De Leon Exposes Maine Mendoza’s Pregnancy! Forbidden to Dance!

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa kanilang mga entertainment news sites at mga social media platforms ang balitang nagdadalang tao ang actress-host na si Maine Mendoza base sa naging pahayag ni Joey De Leon sa pinakabagong episode ng Eat Bulaga.

Sa pinakabagong episode ng Eat Bulaga sa TV5 makikita ang pagsasayaw ni Maine Mendoza kung saan sinaway ito ni Joey De Leon na huwag itong masyadong gumalaw.

Dahil sa naging pahayag ni Joey De Leon, marami sa mga fans ni Maine Mendoza ang nagbubunyi dahil naniniwala silang nagdadalangtao na si Maine Mendoza matapos ang ilang buwan ng kasal nila ni Arjo Atayde.

Isa pa sa mga pinanghuhugutan ng maraming fans ni Maine Mendoza ay ang naging kaparehong pahayag noon ni Joey De Leon bago inamin ni Pauleen Luna ang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ni Bossing Vic Sotto.

Kilala rin si Joey De Leon na siyang unang nagbubuking sa mga importanteng pangyayari sa buhay ng kanilang mga kasamahan sa Eat Bulaga.

Sa kabilang banda, may mga naniniwala naman na hindi ang pagbubuntis ni Maine Mendoza ang tinutukoy ni Joey De Leon kundi ang damit ni Maine Mendoza na baka ito ay bumaba, sa pagkakataong iyon kasi ay nakasuot si Maine Mendoza-Atayde ng white tube top.

Kaya sinabihan umano nito si Maine na huwag masyadong gumalaw. Ipinunto din nila na kung totoong buntis nga si Maine Mendoza ay hindi naman ito gagalaw at tatalon katulad ng kanyang ginawa sa episode na kasama ni Joey De Leon.

Panoorin ng kabuuang video ni Maine Mendoza: https://www.facebook.com/reel/1623713928459610