Jinggoy Estrada’s son, nephew mauled in Boracay

Kinumpirma ng senador na si Jinggoy Estrada na anak nga niya at pamangkin ang naiulat na biktima ng pambubugbog sa Boracay.

Nangyari ang insidente nung Sabado ng umaga, May 24, 2025.

Ayon sa senador, galing sa bar ang kanyang anak na si Julian Ejercito at ang kasama nitong si Jefferelly Vitug nang atakihin ang mga ito ng tatlong lalaki na residente ng isla.

Pabalik na umano sa tinutuluyang accommodation ang dalawa nang maganap ang gulo.

Sinabihan daw ng isa sa mga suspek si Jefferelly ng, “Masyado kang maangas.”

Wala raw ebidensya na nagpapakita na nagkaroon ng tensyon sa bar ang magkabilang grupo, at pinatunayan ito ng CCTV footage ng bar.

Parehong nagtamo ng injuries sina Julian at Jefferelly at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

CHARGES FILED AGAINST SUSPECTS

“Bilang ama at tiyuhin, hindi maiiwasan na labis akong mag-alala nang makarating sa akin ang masamang balita. Kaya’t dali-dali akong pumunta para alamin ang nangyari at kalagayan nila,” pahayag ni Estrada.

Nagsampa na rin daw ng kaukulang kaso ang kampo ni Estrada laban sa tatlong suspects.

“While charges have already been filed against the suspects, I trust that the proper authorities will investigate this case thoroughly and ensure that justice is served,” dagdag ng senador.

Sa huli ay nagpasalamat ang senador dahil ligtas na ang kanyang anak at pamangkin.

“We hope incidents like this serve as a reminder of the need to create a safer environment for everyone.”

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang ina ni Julian na si Precy Vitug-Ejercito sa sinapit ng anak at pinsan nito.

Base sa Facebook post ni Precy ay nasa Boracay rin ito nang mangyari ang insidente.

“We were in Boracay, hoping for a peaceful, relaxing vacation, but early Saturday morning, they were unexpectedly attacked by three young men who are reportedly connected to public figures,” kuwento ni Precy.

“As a mother and aunt, I feel upset and frustrated. Julian and Jelo are kind, respectful, and humble people — never troublemakers.

“It’s heartbreaking that they were hurt, especially after Julian greeted those young men with a smile.

“They don’t deserve this kind of violence!!!!”

Precy Vitug-Ejercito

Photo/s: Precy Vitug-Ejercito (Facebook)

INITIAL REPORTS ABOUT THE INCIDENT

Bandang alas dos ng hapon nung Sabado, Mayo 24, nang iulat ng Radyo Todo Aklan 88.5 FM ang tungkol sa nabugbog umanong anak ng mambabatas.

Naaresto raw ang tatlong suspek ng pambubugbog.

Pawang mga 18-anyos daw ang tatlo.

Ayon sa report, nangyari ito bandang alas dos ng madaling araw sa D’Mall, isang sikat na pasyalan sa Station 2 ng Boracay.

Narito ang nakasaad sa buong ulat ng Radyo Todo Aklan 88.5 FM:

“UPDATE: ANAK NI SEN. JINGGOY ESTRADA, BINUGBOG UMANO SA FRONT BEACH SA ISLA NG BORACAY; 3 SUSPEK, ARESTADO

“PINAGSUSUNTOK ng tatlong binata ang anak ni Sen. Jinggoy Estrada at kasama nito sa Station 2 sa isla Boracay bandang alas 2:00 ng madaling araw.

“Batay sa impormasyong nakalap ng Radyo Todo, habang naglalakad ang mga biktima, mula sila sa isang bar patungong D’Mall, nang bigla silang sundan at pinagtulungang suntukin ng tatlong lalaki sa tapat ng isang hotel sa Brgy. Balabag.

“Kinilala ang mga suspek na sina James Carl Vargas y Jason, Dwyne David Mecca y Delos Santos, at Khenjie Sarabia y Dumalaog, parehong 18-anyos at residente ng isla ng Boracay.

“Nilapitan umano ng isa sa mga suspek ang isang biktima at biglang sinuntok.

“Nang umawat ang isa pang biktima, itinulak din siya at inundayan ng suntok ng mga kasamahan ng suspek.

“Agad namang rumesponde ang kapulisan sa lugar at naaresto ang mga suspek.

“Isinugod sa ospital ang isa sa mga biktima para sa agarang medikal na atensyon.”

Samantala, nag-post naman si Julian nang araw ring iyon na hindi siya makakapunta sa isang party venue sa Boracay dahil may iniinda ito “both physically and mentally.”

Saad ni Julian sa Instagram Story: “To everyone expecting to see me at Epic tonight, I won’t be able to make it.

“Got caught in a really unfortunate situation last night and need time to recover, both physically and mentally appreciate all your understanding and support. See you soon.”

Source: Jinggoy Estrada’s son, nephew mauled in Boracay