Jimuel Pacquiao’s photo with mystery girl sparks romance rumors

Nakatagpo na ba ng bagong pag-ibig si Jimuel Pacquiao?

Ito ang tanong ng netizens makaraang i-upload ni Jinkee Pacquiao ang litrato ng anak na may ka-holding hands na mestisang babae.

Si Jimuel, 24, ay panganay sa limang anak ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao.

Nitong Martes, May 20, 2025, ibinahagi ni Jinkee sa Instagram ang litrato nila nina Manny at Jimuel habang nasa Los Angeles, California, kunsaan naninirahan si Jimuel para sa pag-eensayo nito ng boxing.

Sa mga larawan, kapansin-pansin ang isang babaeng nakasuot ng green dress na palaging nasa tabi ni Jimuel.

May mga pagkakataon pang nakunan sila ng larawan na magka-holding hands habang naglalakad kasama ang mag-asawang Manny at Jinkee.

Jimuel Pacquiao's photo with mystery girl sparks romance rumors

Photo/s: Jinkee Pacquiao on Instagram

Mayroon ding litrato ang mystery girl habang kayakap nito si Jinkee.

Jimuel Pacquiao's new girlfriend

Photo/s: Jinkee Pacquiao on Instagram

Dahil sa sweet photos ng dalawa, hinala ng netizens, partikular na ang mga tagahanga ni Jimuel, ang girlfriend ng binata ang kasama nitong babae.

Komento ng isang netizen sa post ni Jinkee, “Hala oi ka gwapa (ang ganda naman) ng gf ni Jimuel!.”

Saad pa ng isa (published as is), “Ganda ng manugang to be! Mukhang Mexican.”

Sabi pa ng isa, “Ayan na pinakilala na.”

Jimuel’S PAST RELATIONSHIPS

Sa pagkakaalam ng publiko, ang Kapamilya actress na si Arabella del Rosario ang huling nakarelasyon ni Jimuel.

Arabella del Rosario and Jimuel Pacquiao.
Ex-couple Arabella del Rosario left) and Jimuel Pacquiao (right).

Photo/s: @arabelladelro Twitter / @pacquiao.emmanuel Instagram

Noong December 2020, isinapubliko ng dalawa ang kanilang pagmamahalan nang mag-post si Jimuel sa X (datingTwitter) ng mga larawan niya kasama si Arabella.

Nag-tweet din si Arabella ng kaparehong larawan kung saan sinagot niya ang mensahe ni Jimuel ng “hi cutie.”

Ni-retweet ni Jimuel ang tweet ni Arabella. Kalakip naman nito ang dalawang larawan kung saan magka-holding hands sila sa loob ng sasakyan ni Jimuel.

Hindi alam ng publiko kung kailan naghiwalay ang dalawa dahil naging mailap na sila sa social media magmula nang makumpirma ang kanilang relasyon.

Samantala, bukod kay Arabella, naging kasintahan din ni Jimuel ang aktres na si Heaven Peralejo.

March 2019 nang umamin sina Heaven at Jimuel na magkarelasyon sila.

Sa kanilang pag-amin, sinabi nilang malaking bahagi ng pagkakamabutihan nila ang pagiging Born Again Christian nila.

Pahayag ni Jimuel sa isang panayam, “Actually, church po yung first naming labas-labas.

“Kasi parang yun ang bonding namin every week. Nagtsi-church kami every week.

“‘Tapos after nun, dinner. ‘Tapos hatid sa bahay.”

Pero makalipas ang halos apat na buwan, napabalita ang kanilang paghihiwalay.

Jimuel Pacquiao reveals first date with girlfriend Heaven Peralejo was at a worship service.
Jimuel Pacquiao (right) reveals first date with girlfriend Heaven Peralejo (left) was at a worship service.

Photo/s: Courtesy: Instagram

Hindi nila inamin ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.

May mga intrigang pinagdaanan ang dalawa sa kanilang relasyon, kabilang na rito ang usapin tungkol diumano sa pera.

Mainit na pinag-usapan noon ang paggamit diumano ni Heaven ng credit card ni Jimuel upang ipang-grocery ang kanyang pamilya at paglapit umano nito sa ama ni Jimuel na si Manny sa kalagitnaan ng pandemya para humingi raw ng P100,000 na ayuda.

Mariin itong itinanggi ni Heaven.

Source: Jimuel Pacquiao’s photo with mystery girl sparks romance rumors