Jessy Mendiola still proud of Luis Manzano after election loss

Nagpahayag ng suporta ang aktres na si Jessy Mendiola sa asawang si Luis Manzano sa kabila ng pagkabigo ng TV host-actor sa kandidatura nito sa pagka-bise gobernador ng lalawigan ng Batangas nitong May 12, 2025 elections.

Tinalo si Luis ni incumbent Batangas Governor Dodo Mandanas.

Lamang si Mandanas ng halos 300,000 votes kay Luis, na may 552,000 kumpara sa boto ng una na nasa lagpas 800,000.

JESSY MENDIOLA: “Thank you for fighting and giving it your all…”

Sa mensahe ni Jessy sa kanyang Instagram Story ngayong Miyerkules, May 14, nagpasalamat siya sa mga taga-Batangas dahil sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanila noong panahon ng kampanya.

Kahit natalo si Luis, pakiramdam daw nila ay panalo na rin sila dahil sa pag-welcome sa kanila sa campaign sorties.

Sabi ni Jessy: “Maraming salamat po sa sumuporta at nagmahal sa aking asawa.

“Sa pag-ikot po namin ng buong lalawigan ng Batangas—mas nakilala po namin kayong lahat.

“Hindi man nanalo, pakiramdam namin panalo na kami dahil sa init ng pagtanggap niyo kay Luis.”

Nagpasalamat din siya sa asawang si Luis na ibinigay raw ang lahat ng makakaya noong kampanya.

Ngayon daw ay higit pang nakilala ng mga taga-Batangas si Luis.

Mensahe ni Jessy (published as is): “Thank you for fighting and giving it your all, my love @luckymanzano

“Proud parin kami sa yo dahil sa pagkakatong ito, mas nakilala ka ng mga Batangueño.

“Napatunayan mo na kaya mo pa ring lumaban at makakamit ng magandang numbers kahit first timer ka. We love you, Lucky!”

Jessy Mendiola's message to husband Luis Manzano

Nagpasalamat naman si Luis sa asawang si Jessy sa mensahe nito sa kanya.

Luis Manzano's message to Jessy Mendiola

VILMA santos, ryan CHRISTIAN WIN

Magkaiba ang naging kapalaran ni Luis sa inang si Vilma Santos at kapatid na si Ryan Christian Recto.

Nanalo ang Star for All Seasons bilang governor ng Batangas, at si Ryan naman ay nahalal bilang kongresista sa ika-anim na distrito ng lalawigan.

Ngayong araw rin, nag-concede na si Luis sa kanyang pagkatalo.

Nagpasalamat si Luis sa lahat ng mga Batangueño at sa lahat ng supporters niya sa kanilang probinsiya.

Bahagi ng mensahe ni Luis: “Masigla at napakasaya ng kampanya dahil nakasama ko kayo. At kahit tapos na ang eleksyon, ito ay umpisa pa lamang ng matagal pa nating pagsasamahan. Hanggang sa muli. Maraming salamat po.”


Source: Jessy Mendiola still proud of Luis Manzano after election loss