Jessy Mendiola expresses full support to husband Luis Manzano

Pagkatapos ng ilang linggong usap-usapan, kumpirmado na ang pagsabak sa politika ng TV host-actor na si Luis Manzano.

Nayong araw ng Huwebes, October 3, 2024, sabay-sabay na naghain ng kanilang certificates of candidacy si Luis, ang kanyang inang si Vilma Santos, at kapatid na si Ryan Christian Recto sa Batangas Provincial Capitol.

Target ni Vilma na balikan ang kanyang dating posisyon sa lalawigan bilang gobernador, kung saan tatlong termino siyang naglingkod: mula 2007 hanggang 2016.

Si Luis ang kanyang ka-tandem bilang vice-gubernatorial candidate.

Samantala, nais ni Ryan na maging kinatawan ng 6th District ng Batangas, na dati ring puwesto ni Vilma bago magpahinga sa politika noong 2022.

Luis Manzano, mom Vilma, brother Ryan Christian at the filing of their COCs

Photo/s: Courtesy: Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

JESSY MENDIOLAALL PRAISES FOR HUSBAND LUIS

Sa Instagram ngayong Huwebes ng gabi, ipinahayag ng misis ni Luis na si Jessy Mendiola ang saloobin sa pagpalaot sa politika ng TV host-actor.

Ayon sa aktres, hindi umano ito bahagi ng kanilang plano. Ngunit Diyos na raw ang tila nagdesisyon para sa kanila.

Pinaulanan din ng mga papuri ni Jessy ang asawa, na tila isang perpektong public servant na tumutulong sa kapwa.

Mensahe niya: “This wasn’t part of our plan but God had other plans for us.

“Isa ka sa pinaka-masipag, maalaga at mapagbigay na tao na kilala ko. Kahit noon pa man, palagi mong iniisip kapakanan ng ibang tao.

“Mahilig kang tumulong at makinig sa iba kahit pa walang kapalit na ano pa man, hindi mo gusto na binabanggit yung pangalan mo o pinapaalam pa sa taong tinutulungan mo.”

Ayon pa kay Jessy, may mga trabaho umanong tinanggap si Luis para lamang itulong sa mga lumalapit dito. Pero hindi raw nito ipinagsasabi o binu-broadcast sa social media.

“Minsan tumatanggap ka ng trabaho kahit na pagod na pagod ka na dahil may pinangakuan kang tutulungan.

“Alam namin yan at kahit lahat ng mga katrabaho mo, alam nila kung gaano ka ka mapagbigay. Ang puso mo ay napaka-linis at yun ang isa sa rason kung bakit kita minamahal.

“Alam kong hindi ito parte ng plano natin pero andito ako para suportahan ka kahit ano pa man ang mangyari. Isang malaking pagbabago ito sa buhay natin at alam kong mabuting pagbabago ito. Marami kaming nakasuporta sayo, Love.”

Labis-labis ang pagka-proud ni Jessy kay Luis, at masuwerte raw ang mga taga-Batangas dahil makakaasa sila ng serbisyong “LUCKY.”

“Lucky” ang palayaw ni Luis.

Saad ni Jessy: “I am extremely proud of you for choosing this path, the path to help make a change and extend help to others. You are made for this.

“Mararanasan na ng iba ang alagang “LUCKY” na ilang taon ko na rin nararanasan. Ang SWERTE namin sayo.

“Mahal na mahal ka namin, maraming salamat @luckymanzano sa buong pusong paglilingkod. Maunlad na Batangas, para sa bagong Pilipinas.

#TalinoatPuso #OneBatangas #ViLucky #ViceGovernorLUCKY #SWERTEngBatangas

JESSY MENDIOLA ALL-OUS SUPPORT

Sa isang panayam noong July 2024, sinabi na ni Jessy na labis niyang susuportahan ang asawa kung anuman ang plano nito sa pulitika.

Watch: Jessy Mendiola, ALL-OUT SUPPORT sa pagpasok ni Luis Manzano sa pulitika

Noong mga panahong iyon, hindi rin daw isinasara ni Luis ang pagkakataong pasukin ang politika o public service.

Lalo na’t napapaligiran siya ng mga politiko mula pa pagkabata.

Naging mayor, kongresista, at gobernador ang ina niyang si Vilma sa Batangas.

Naging vice-mayor naman ng Makati City ang ama niyang si Edu Manzano.

Nagsilbi ring senador ang stepfather ni Luis na si Finance Secretary Ralph Recto.

Sa presscon ni Luis matapos itong pumirma ng kontrata sa ABS-CBN noong July 2, 2024, inusisa siya ng press ukol sa posibilidad na pagsabak sa politika.

Pahayag ni Luis, “Alam mo, siguro three admins ago pa lang, inaantay na ako.

“Nakakatawa in a sense na, pag filing na, or last day na ng filing, may magmi-message sa akin, ‘O, nandito kami ngayon, anong oras ka darating?”’

Sagot daw niya, “‘Ha? Bakit? Anong meron?'”

Nakarating daw sa mga itong maghahain siya ng kandidatura gayong nasa bahay lang siya at walang balak kumandidato.

Pagpapatuloy ni Luis, “At hindi siya nawawala every election.

“And even until now, kagaya I’ve answered this before, and I will answer it again, redundant man pakinggan, but it’s my heartfelt answer.

“Lahat tayo may obligation to serve. In what capacity? It depends kung ano yung ibinigay sa yo ng Diyos. Depends on the cards dealt.

“Did I ever say no to politics before? Sabi ko, ‘Hindi pa, hindi pa.’

“So, hindi na lang magugulat kung tawagin ako ng public service itong darating na taon.”

Nasa isip talaga niyang darating ang araw na sasabak din siya sa pulitika?

Aniya, “Yes, I’m very much open to politics.

“Pero yun nga, ang gusto ko… kasi masyado natin iniisip na pulitika yan.

“If I do run, it has to be about public service.”

VILMA ON SONS ENTERING POLITICS

Bagamat may mga positibong komento tungkol sa pagsabak ni Luis at ng kanyang kapatid na si Ryan sa politika, may ilan ding nagpahayag ng kanilang pag-aalangan.

Tila hindi na raw naiiba ang pamilya ni Vilma sa ibang political dynasties na tumatakbo sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.

Sa eksklusbong panayam ng PEP kay Vilma, ipinaliwanag nitong nag-o-offer sila ng serbisyo at ang publiko ang magdedesisyon kung iboboto sila o hindi.

Handa na rin daw ang kanyang dalawang anak dahil namulat na umano ang mga ito sa serbisyo publiko.

Bahagi ngpahayag ni Vilma: “Ngayon nararamdaman nila yung mga totoong buhay na ng mga tao, at nararamdaman ko, may puso na sila doon. At saka lumaki na sila sa amin.

“Imagine, nung maging public servant ako, nung mayor ako, Ryan was only three years old…

“So dito na rin sila lumaki, sa public service na nakita nila sa amin, at naranasan nila iyon nang magsilbi sila at magbigay ng mga financial distribution.

“They are prepared.”