Jericho Rosales recalls first date with Janine Gutierrez

Inamin ng aktor na si Jericho Rosales na noong una ay nag-alangan siyang magkagusto at i-date ang aktres na si Janine Gutierrez dahil sa agwat ng kanilang edad.

May nakapagsabi raw kasi noon kay Jericho na 24-years-old pa lang si Janine na labis niyang ikinagulat, kaya napadalawang-isip siya kung itutuloy niya ang panliligaw rito.

Sa edad daw kasi niya ngayon na 44, hindi na maisip ng aktor na makikipagrelasyon sa babaeng halos kalahati ng kanyang edad.

Ito ang ibinunyag ni Jericho sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa YouTube vlog nito na lumabas nung Biyernes, September 20, 2024.

Nangyari ang pag-amin ng Kapamilya actor nang maungkat ni Karen ang “getting-to-know-each-other, dating” stage sila ni Janine.

Saad ni Karen kay Jericho, “When I heard about it though [the dating news], I was so happy. Because I already interviewed Janine and she just has that beauty, that purity, that innocence, it just glows.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na inamin ni Jericho ang pag-aalangan niya noon na i-date si Janine dahil sa malayong agwat ng edad nila.

Nawala naman ang pag-aalangan niya nang malaman na 34 years old na si Janine at sampung taon lang ang agwat nito sa kanya.

Aniya: “I agree with you on that, the purity part. So pure, I thought she was 24! EJ, my make-up artist said that she’s 24.

“And I said, ‘What?! Okay, bye,’ Alam mo yun? Bye, I’m not dating a 24-year-old girl.

“I Google, Google, Google, Google [and found out she’s 34] sabi ko, ‘Oh, okay puwede pala. Puwede pa pala.'”

Jericho recalls His Work Meeting-Turned-First Date With Janine

Si Jericho at Janine ay parehong bida ngayon sa Kapamilya primetime series na Lavender Fields.

Dito gumaganap sila bilang mag-asawang Tyrone de Vera (Jericho) at Iris Buenavidez-de Vera (Janine).

Pagbabahagi ni Jericho, bukod sa ganda ni Janine ay nabighani rin daw siya sa ipinakitang ugali nito sa set ng kanilang serye.

Kaya naman dahil din sa kanilang proyekto ay nagkalakas-loob ang aktor na yayain si Janine na lumabas.

Jericho Rosales and Janine Gutierrez dating

Photo/s: @jerichorosalesofficial / @janinegutierrez Instagram

Pagbabalik-tanaw ni Jericho: “One day I had asked her, ‘Would you like to do a script reading with me?’

“I’m sure she has her own version of the story. But why would I ask for a script reading? She’s the only person I haven’t worked with.

“She was going to be my work wife, my wife in the show. All of the decisions that my character was going to do in the show was because of the relationship that they have. This is not some easy working relationship. We needed to ano, so I said in my head: ‘Oh, coffee! Script reading and coffee!”

Mabilis naman daw na pumayag si Janine na makipagkita sa kanya para mas lalo silang magkakilala na kailangang-kailangan para sa kanilang mga eksena.

Kuwento ni Jericho: “I brought my iPad and then we saw each other at a cafe.

“I brought my iPad out and she started laughing. She was like, ”Holy God, you have an iPad.’ I said, ‘Yes, this is a work meeting.’

“To cut the long story short, six hours later we never got to open the iPad. I was like, it ended up with like, Japanese food at 3:00 P.M. and then she went to her Lola Pilita Corrales and that’s it.

“And I was, ‘Wow, I can spend like, three hours talking to this girl…’ That’s when I felt something.”

JERICHO admires JANINE’S PERSONALITY

Ang pagiging kalmado at malambing ni Janine ang isa sa mga bagay na nagustuhan daw ni Jericho sa aktres.

Bukod pa rito ang pagiging magaling at maingat ni Janine sa pagdedesisyon sa mga bagay-bagay.

Ani Jericho: “She talks calmly, a sweet person who’s like, almost never upset about anything.

“[She] handles herself really well, with such humility.

“She’s this type of person that, okay, a ‘no’ is a ‘no’ and a ‘yes’ is a ‘yes’ and she knows her decisions and she does it in a very smooth and soft, tender kind of way.”

JERICHO AND JANINE PAST RELATIONSHIPS

Parehong single sina Jericho at Janine sa ngayon.

Ang huling naiugnay kay Janine ay si Paulo Avelino, pero hindi nila opisyal na kinumpirma kung nagkaroon sila ng relasyon at kung kailan sila naghiwalay.

Si Jericho naman ay hiwalay na sa asawang si Kim Jones, at naisapubliko iyon noong Enero 2024.

Noong April 17, 2024, iniulat ng PEP Troika na may source na nagsabing sumubok manligaw si Jericho kay Kathryn Bernardo.

Dumalo pa si Jericho sa birthday bash ni Kathryn sa El Nido, Palawan, noong Marso.

Pero sinasabing mas boto umano ang ina ni Kathryn sa isa pang napababalitang manliligaw ng dalaga na si Alden Richards.