Jericho Rosales, binati si Janine Gutierrez sa kaarawan nito

– Nag-post si Jericho Rosales para iahayag ang kanyang pagbati kay Janine Gutierrez

– Matatandaang matapos silang mamataang magkasama nang makailang beses ay umamin si Jericho na sila ay ‘officially dating’

– Isang maiksing pagbati ang binahagi ni Jericho para sa aniya’y kanyang ‘museum / tabing-ilog date’

– Kalakip nito ay ilan sa picture nila mula sa date nila sa museum at tabing ilog

Nagpakilig sa social media ang aktor na si Jericho Rosales matapos niyang mag-post ng isang espesyal na pagbati para kay Janine Gutierrez sa kaarawan nito. Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Jericho ang isang maiksing mensahe para sa kanyang kasintahan, na kanilang inamin na “officially dating” kamakailan matapos mamataan nang ilang beses na magkasama.

Jericho Rosales, binati si Janine Gutierrez sa kaarawan nito
Jericho Rosales, binati si Janine Gutierrez sa kaarawan nito
Source: Instagram

Bagama’t nagsimula sa pabirong paraan, buong pagmamalaking inamin ni Jericho Rosales na nakikipag-date na siya sa kanyang co-star sa “Lavender Fields” na si Janine Gutierrez.

Read also

Dating basketball player at actor na si Raul Dillo, proud na nagtitinda ng longganisa

Matapos tanungin ng isang kasamahan sa media tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, lalo na pagkatapos mamataan sila sa isang museo at mall, kinumpirma ni Jericho, “We’re getting to know each other, we’re dating.”

Sa kanyang post, tinawag ni Jericho si Janine na kanyang “museum/tabing-ilog date,” kalakip ang ilang mga larawan mula sa kanilang masayang oras sa isang museo at sa tabing-ilog. Makikita sa mga larawan ang masayang samahan ng dalawa, na lalo pang nagpaigting sa mga spekulasyon tungkol sa kanilang relasyon bago sila umamin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

“Happy birthday, my museum/tabing-ilog date,” saad ni Jericho sa kanyang post.

Si Jericho Rosales ay isang aktor, modelo at recording artist. Ikinasal siya kay Kim Jones na isa ring kilalang modelo. Ilan sa kanyang mga teleserye na sumikat ay Pangako Sa ‘Yo (2000–2002), Sana’y Wala Nang Wakas (2003–2004) at Dahil May Isang Ikaw. Naitambal siya sa ilang leading ladies kagaya ni Kristine Hermosa at Heart Evangelista.

Read also

Doc Willie Ong, may pakiusap sa TV5: “Baka pwedeng ayusin nyo naman ito”

Isang maiksing video ang ibinahagi ni Jericho Rosales kung saan makikitang kasama niya ang mga aso sa tabing dagat. Nahagip din ng camera si Kim Jones na makikitang na nakasuot ng face mask at hawak ang tali ng dalawang aso. Hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng mga netizens ang tila umbok sa bandang tiyan ni Kim. Kasunod nito ay bumuhos ang pagbati sa mag-asawa dahil sa ispekulasyong nagdadalang-tao ang sikat na modelo.

Matatandaang matapos lumabas ang bali-balitang buntis na ang si Kim Jones, isang panibagong video ang ibinahagi ni Echo. Taliwas sa naunang lumabas na video na tila may nakaumbok sa tiyan ni Kim, makikita sa panibagong video ang maliit na bewang nito. Marami sa mga netizens ang nabigla dahil marami ang umasa na sa wakas ay magiging mga magulang na ang dalawa. Gayunpaman, nauna nang nasabi ng mag-asawa ang kanilang dahilan kung bakit ataw pa nila magkaanak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!