Jean Saburit shocked by changes in beauty-pageant requirements
Nalalapit na naman ang beauty pageant season dito sa Pilipinas kaya tungkol dito ang naging tanong kay Jean Saburit, na kinoronahang Binibining Pilipinas-Young 1975.
Ano ang opinyon niya sa ilang beauty pageants ngayon kung saan pinapayagan nang sumali ang mga may asawa at anak, transgender women, at maging ang mga senior citizens?
“What?” bulalas ni Jean. “I didn’t know that. Pati sixty, seventy?”
Taong 2021 nung payagan ng Miss Universe Philippines ang pagsali ng mga transgender.
Ang sabi noon ng national director na si Shamcey Supsup-Lee, “As long as they have legal documents to prove they are now female and they already underwent gender reassignment surgery.
Taong 2022 naman nang payagang sumali ang mga applicants na mayroong anak.
Taong 2023, tinanggal ang age limit.
JEAN SABURIT NOT IN FAVOR OF THE MORE INCLUSIVE PAGEANT REQUIREMENTS
Binanggit kay Jean na hindi pabor si Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa binagong qualifications para sa mga kandidata.
Pakli ni Jean, “I agree, I agree with Glo.
“Gloria is a good friend of mine, and, you know, when you’re friends, you agree on most things. I was with her just before Christmas.
“I agree with her. Dapat may mga kanya-kanyang category, pag Miss, Miss lang!
“E, di gumawa ka ng Mrs. Universe for ano, di ba, for may mga asawa.
“I’m against it. They can have their own.”
Nilinaw niya na she has nothing against the gays.
“I’m not, you know, natutuwa nga ako sa mga ano, nanoood nga ako ng mga Miss Gay, nagiging judge ako ng Miss Gay Philippines. e.”
Pero hindi raw siya pabor na pagsamahin sa iisang pageant ang mga tunay na babae at mga transgender o transsexual.
“Kasi maano, e, maiiba yung category. Ibig sabihin, operada na dun? E, kung hindi pa operada dun?
“But still, you know, you still have your Adam’s apple, you still have your muscles, and your boobs will still be flat.”
Sa makabagong siyensiya, nagagawan na ng paraan na magkaroon ng dibdib ang isang tao at mabago ang hugis ng katawan.
Ang reaksiyon ni Jean, “So that’s not natural anymore. Kami kasi noon natural lahat, e.
“Wala kaming mga reto-retoke pati mga mukha namin, walang retoke.
“Dapat may kanya-kanya silang pageant. They should have their own.
“I don’t mind supporting them, I mean, you know, but then, hindi naman yung paghaluin kasi parang nakaka, paano iyan, di ba?”
Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Jean nitong January 7, 2025, sa mediacon ng Prinsesa Ng City Jail sa GMA Annex Studio 7.
Gumaganap si Jean sa serye bilang si Sonya.
Bida sa naturang GMA Afternoon Prime series ang Sparkle love team na sina Sofia Pablo bilang Princess at Allen Ansay bilang Xavier.
Nasa serye rin sina Dominic Ochoa bilang Raymond, Denise Laurel bilang Divina, at Beauty Gonzalez bilang Sharlene.
Kasama rin nila dito sina Ayen Munji-Laurel bilang Leilani, Keempee De Leon bilang Dado, Ina Feleo bilang Jenny, at sina Will Ashley bilang Onse, Radson Flores bilang Justin, Pauline Mendoza bilang Mimi, at Lauren King bilang Libby.
Ang Prinsesa Ng City Jail ay sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng at napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. at abroad via GMA Pinoy TV.